FOI Bill Vs Korapsyon, Suportahan – Sen. Poe

NANAWAGAN SI Senador Grace Poe-Llamanzares ng suporta sa publiko at netizens hinggil sa nakabinbin pa ring Freedom of Information (FOI) Bill.

Iginiit ng mambabatas na pinuno rin ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, malaki ang maitutulong ng nasabing panukala para maisulong ang transparency at malabanan ang maling paggamit ng pondo ng bayan o ang korapsyon.

Layon ng FOI na ma-bigyan ng access ang publiko sa mga impormasyon kaugnay ng transaksyon sa pamahalaan. Bigo itong maaprubahan noong ika-15 Kongreso.

Dagdag pa ng senadora sa panukala, bumuo ng records management system.

“With vigorous public support, we expect to hurdle all challenges in the passage of the FOI bill… We must ensure that all actions of the government are subject to scrutiny.”

Diringgin ng Senado ang FOI Bill sa Setyembre 4.

Samantala, pinuri rin ni Poe ang ikinasang martsa ng taumbayan laban sa pork barrel na may kaugnayan din sa maling paggamit ng pondo ng publiko ngayong araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.