FOI Bill, Posible Pang Maipasa

AYON SA liderato ng Mababang Kapulungan, posibleng hindi na makalusot ang Freedom of Information (FOI) bill sa 15th Congress dahil sa kakapusan ng panahon.

Gayunman, hindi isinusuko ni Quezon Rep. Erin Tañada na pangunahing may-akda ng nasabing panukala, ang laban sa pagsusulong na maisabatas ito.

May 117 kongresista na buo ang suporta na maging ganap na batas ang naturang panukala, ani Tañada.

Bukod pa aniya ito sa dumaraming sektor at indibidwal na suportado ang FOI bill.

May sapat pang oras ang Kongreso matapos ang pagdinig sa budget kaya maaari pa ring makalusot ang kanyang iniakda, dagdag pa ng konsehal.

Samantala, hinimok naman ni Tañada ang House Committee on Public Information na magsagawa ng pagdinig para matalakay ang concerns ng iba pang mambabatas. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.