Focus: Yawn Some More!

Focus
by E.S. Capo
Photos by Rudy Rabulan

Hindi nakaligtas sa mata ng madlang pipol ang iringan nina Senador Dick Gordon at Senador Alan Peter Cayetano kaugnay ng kontrobersiyal na Fertilizer Scam.

Ang blue ribbon committee ng senado ang nagsagawa ng imbestigasyon ng fertilizer scam kasama na ang panayam sa kontrobersiyal din na si Joc-Joc Bolante. Si Cayetano ang chairman ng komite bago ito napunta kay Gordon noong magbalasahan sa Senado.

Kinukuwistiyon ni Cayetano ang report ni Gordon lalo pa raw at hindi naman nito tinutukan kung sino nga ang nag-utos na umorder ng mga fertilizer.

Buwelta naman ni Gordon, ginagawa lang niya ang kanyang trabaho at ayaw niyang mamersonal. Dagdag pa niya, buti nga raw siya, mayroong report sa imbestigasyon, samantalang ang sinundan niya, eh, wala pang nailabas na report kaugnay ng NBN-ZTE Scandal na inimbestigahan rin nito.

O siya, sa pula, sa puti, manalo sa kawali?! (Hano raw?!)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.