Focus: Ngorkzzzzz in the zzzzzzz…

Breaking news, mga kafatid in the Philippine Islands!

Sa ulat ng mga tsismosong makulit, ilang miron daw na nakikiusyoso sa Lower Chamber of the Philippine Congress ang muntik nang kaladkarin palabas ng session hall matapos ireklamo ng kapwa nila miron. Ang asunto: Humalimuyak ang hindi kaaya-ayang amoy. Nabatid na nagmula raw ang amoy na tila bugok na itlog mula sa dalawang miron na kaya napautot ay dahil sa hindi mapigil na tawa.

Nang mawala na ang nakakasulasok na amoy at tumigil sa pagtawa ang mga naturang miron, nagmakaawa sila na bigyan ng pangalawang pagkakataon. Pumayag naman sa dalawang miron

ang mga nagrereklamong miron sa kondisyong sasabihin nila ang kanilang pinagtatawanan. Kung kaya itinuro na ng dalawa ang sanhi ng kanilang pag-utot.

Sabay-sabay na lumingon ang mga miron sa direksiyong itinuro ng dalawa at na-ispitan nila ang legislator na nakarating na yata sa bansang Hapon sa tila feel na feel nitong pagkakatulog.

Hmmm…hey you, parazzi pipol! Gamitin natin ang ating imahinasyon sa kung ano ang napapaginipan nitong si Kong (o, walang pangalang ‘yan, ha?).

by E.S. Capo
Photos by Parazzi Wires

loading...

One thought on “Focus: Ngorkzzzzz in the zzzzzzz…

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #73

Leave a Reply

Your email address will not be published.