Focus: Nasaan sina Kong?

Wala pa namang outbreak ng Mexican Flu sa ‘Pinas, pero ang pinagpipitaganang Reps ng Philippine Islands, hapon na, eh, nowhere in sight pa rin.

Ito ang espasyong napitikan ng ating kamerang-gala matapos niyang tumambay sa House of Representatives nitong nakaraang araw. Isang near-empty at kakalog-kalog na Session Hall. Isang espasyong naghihintay ng mga responsible souls na darating upang gawin ang responsibilidad nilang gumawa ng batas for the betterment of the Filipino people.

Ang chika, lumipad na raw ang iba para mapanood ang Battle of the East and West ng ating pambatong si Manny ‘Pacman’ Pacquiao versus Ricky ‘The Hitman’ Hatton. Ang sabi naman ng iba, baka naman sobrang binaha lang sa kalsada kaya tinamad na.

Ano kaya ang reaction ng ating mga bagong Kongresista? Sana lang ‘wag silang madismaya, much more, ‘wag nilang gawing modelo ang mga pasaway nilang kasama.

by E.S. Capo
Photos by Parazzi Wires

Click to enlarge photo.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.