Flood Water Rescue Training, Tagumpay

NAGING MATAGUMPAY ang unang batch ng isinagawang Swift/Flood Water Rescue Training sa Nagbalan River sa bayan ng Mayantoc sa lalawigan ng Tarlac na dinaluhan ng iba’t ibang rescue team mula sa Bulacan, Olongapo City at Tarlac City kamakailan.

Sa report ni Liz Mungcal, Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council officer, mahigit sa 50 katao ang nagsanay sa nabanggit na training, kung saan sasalubong sa malakas na daloy ng tubig ang mga rescue officer upang sagipin o iligtas sa trahedya ang mga biktimang apektado ng pagbaha.

Samantala, suportado naman ni Bise-Gobernor Daniel Fernando ang naturang programa ng probinsya na maitaas pa ang kalidad ng mga training workshop upang makatulong sa pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Ayon naman kay Marvin Guiang, operation officer at Tarlac rescue team leader, lubhang napakahalaga ng training na ito, dahil kailangan, sa pagsagip ng buhay ng nalalagay sa peligrong indibidwal ay buo ang loob, may diskarte at abilidad sa paraan ng pagsasalba ng buhay gamit ang lubid at rescue devices tulad ng rubber boat at iba pa.

Bukod sa rescue team, kabilang din sa sumailalim sa pagsasanay ang ilang tauhan ng Provincial Public Safety Company ng Bulacan, Criminal Investigation Group, 18th Special Forces ng Philippine Army, 56th Infantry Batallon ng Philippine Army, Rescue-117, Alert Rescue Squad, BIRA, Hagonoy rescue team, San Jose del Monte rescue team, at iba pa.

Idinagdag pa ni Angelito Layug, Olongapo City DRRM officer, at Lamberto Silvestre, na ang pagsasanay ay bilang paghahada sa nalalapit na panahon ng tag-ulan, kung saan karaniwang tinatamaan ng pagbaha ang lalawigan ng Bulacan, Pampanga at Tarlac.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.