Flood Control Project sa Navotas, sisimulan na

 

BUNSOD NG HINDI matapos-tapos na usapin hinggil sa kontrobersiyang Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) Mega Flood Control Project ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa tuwing panahon ng tag-ulan ay lubog sa tubig-baha ang Navotas at Malabon, at kahit hindi umuulan ay binabaha pa rin ang ilang mga lugar kapag high-tide.

Sa kabila ng paglabas na ng pondo rito at pagsasabi ng naturang kagawaran na sisi-mulan ng mga ito ng nasabing proyekto noong nakalipas na buwan ng Agosto.

At para matigil na ang pagbatikos ng ilang sektor ng gobyerno, isa na rito ang Local Government Units (LGUs), naisipan ng pamahalaan lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, na magkaroon ng Flood Control Project ang lungsod.

Inatasan na rin ng alkalde ang City Engineering Office, na agad ipagbigay-alam ang mga lugar sa lungsod na binabaha partikular na sa Brgy. Tangos, kasabay ng pagdadagdag ng 3 pumping stations sa Navotas Rive mula Vadeo 5, Brgy. San Roque at Tangos.

Siniguro rin ni Tiangco na ang 24 na pumping station sa mga lugar na bahain ay tuluy-tuloy ang operasyon habang ang Local Disaster Risk Reduction Management Office, na maging alisto sa pagbibigay ng ulat panahon at mga nakatakdang oras ng high tide sa lungsod.

Ayon pa kay Tiangco, nais lamang nito na masigurong ligtas ang kanyang mga constituent lalo na ang mga mag-aaral sa tuwing lumulubog sa tubig-baha ang mga residente, kung kaya’t agad nitong ipinatupad ang naturang proyekto.

Ganundin ang City Health Office, City Environment and Natural Resources, ay inatasan rin na mapanatiling malinis ang buong kapaligiran at ang pagkolekta ng basura sa lahat ng barangay para maiwasan ang pagkakaroon at pagkalat ng anumang sakit na madalas nakukuha sa mga lugar na bahain.           (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.