Floating status

 

Dear Atty. Acosta,

ANIM NA BUWAN na po akong walang trabaho. Nasa floating status po ako. Hindi ako binigyan ng duty ng aking employer simula noong natalo kami sa bidding. May monetary benefits po ba akong matatanggap dahil hindi nila ako binigyan ng trabaho? Ano po ba ang address ng NLRC?

Best Regards,

Alberto

 

Dear Alberto,

AYON SA LABOR Code, hindi maaaring tanggalin sa trabaho ang isang manggagawa kung walang legal na basehan. Ang legal na basehan ay maaaring isa sa mga just causes na nakasaad sa Artikulo 282 ng Labor Code o authorized causes na nakasaad sa Artikulo 283 ng Labor Code. Kapag ang manggagawa ay natanggal sa trabaho nang walang just o authorized cause, siya ay masasabing illegally dismissed.

Ngunit ayon sa Artikulo 286 ng Labor Code, hindi masasabing illegally dismissed ang isang manggagawa kapag hindi siya nakapagtrabaho sa loob ng hindi hihigit sa anim na buwan dahil sa lehitimong suspensyon ng operasyon ng negosyo o trabaho. Ang estadong ito ng manggagawa ay sinasabing floating status.

Samakatuwid, kinakailangan na lehitimo ang dahilan ng suspensyon ng operasyon ng negosyo o trabaho, para hindi masabing illegally dismissed ang manggagawa. Kinakailangan din na ang suspensyon ay hindi hihigit sa anim na buwan. Kapag hindi nasunod ang mga pamantayan na ito, ang manggagawa ay masasabing constructively dismissed.

Sa iyong salaysay, isinaad mo lang na hindi ka binigyan ng trabaho sa loob ng anim na buwan dahil natalo ang iyong employer sa bidding. Hindi mo naman isinaad sa iyong salaysay kung ano ang iyong trabaho at ang buong pangyayari kung bakit ka nasa floating status.

Kung hindi lehitimo ang suspensyon ng trabaho, ikaw ay masasabing illegally dismissed. Kapag lehitimo naman ang suspensyon ng iyong trabaho, kinakailangan naman na hindi lalagpas sa anim na buwan ang suspensyon para maging balido ito.

Kapag ang suspensyon ay higit sa anim na buwan, ang manggagawa ay sinasabing constructively dismissed. Kapag constructively dismissed ang manggagawa, ang employer ay may katungkulang ibalik siya sa kanyang dating posisyon at magbayad ng backwages. Ngunit maaari rin na magbayad na lang ang employer ng separation pay kapag hindi na makakabuti ang pagbalik ng manggagawa sa kanyang dating trabaho, lalo na kung bukod sa isyu ng backwages ay nagkaroon na ng lamat ang relasyon ng manggagawa sa kanyang employer.

Ang mga manggagawang illegally dismissed o constructively dismissed ay maaaring magreklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC). Dito dumudulog ang mga manggagawang nakaranas o nakararanas ng paglapastangan sa kanilang karapatan.

Ang manggagawang nais na magreklamo o dumulog ng kanyang problema tungkol sa kanyang trabaho ay maaaring pumunta sa NLRC na may sakop sa lugar kung saan siya nagtrabaho o nagtatrabaho. Ang opisina ng NLRC sa National Capital Region (NCR) ay matatagpuan sa PPSTA Bldg., Banaue St., Quezon City.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

2 thoughts on “Floating status

  1. Good day atty. Acosta

    gusto ko lang po humingi ng advice tungkol sa status ko po sa company na pinag tatrabahuan ko
    isa po itong call center. last november 6, 2012 po bigla nalang ako kinausap ng HR representative na ako po ay tinatanggal na sa account na aking kinabibilangan at ililipat na sa ibang bagong account. sa kadahilanang hindi ko naipasa ang isang metrics na required ng account. hanggang sa ngayon po ay wala pa din akong balita kung anu na ang status ng aking floating. sinabi nila na hindi po ako babayaran sa floating status ko. tama po ba ito. Wala po silang ibinigay na noticr or palugid biglaan po ang kanilang aksyon..

    maraming salamat po

  2. Good day!

    I saw your reply to a forum re temporary retrenchment and I am just hoping that you will be able to enlighten me.

    I have been working for this BPO company for over 3yrs now. I was happy with my employer until 3weeks ago where I was placed on floating status. Our client did not renew its contract with our company and moved to a diff BPO comp. My immediate supervisor just texted me to adv that I dont need to go to work and I will be on floating. Is this legal?

    She then adv me that I will be receiving a call fr our recruitment ofc re my redeployment to another account. I waited for a call fr them but I didnt get any so I called them instead and followed it up. I was adv by our recruitment oficer that he will call me back within the day for an update but I didnt get any. I waited for another week, went to our ofc and informed my supervisor about it. She told me that she’s busy and wont be able to assist me so I went directly to our recruitment’s ofc to ask for an update. I talked to another rep and was adv that she will call me back within the day but she didnt call me. Since I have already used all my vl/sl I am not getting any pay. 

    Do I have a case against them if ever? Is there a possibility that I can just request to get a separation pay rather than wait in vain?

    Please help me.

    Thank you in advance

Leave a Reply

Your email address will not be published.