Flight Data Recorder ng Sumadsad na Eroplano ng CebuPac, Dinala sa Singapore

DINALA KAHAPON sa Singapore ang flight data recorder ng Cebu Pacific flight 5J971 na nag-overshoot sa runway ng Davao International Airport.

Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director Gen. Rodante Joya na kasama ng mga taga-Cebu Pacific sa pagdadala ng flight data recorder ang mga imbestigador ng CAAP.

Inaasahan aniyang tatagal lamang ng dalawang araw ang im-bestigasyon dito para matukoy kung ano ang naging dahilan ng aksidente.

Agad din itong iba-balik sa Pilipinas para maihayag ang detalye ng naging pagsusuri.

Ayon kay Joya, malinaw na matatawag na pagkakamali ng piloto ang nangyari dahil sa labas ng runway lumapag ang eroplano ng Cebu Pacific.

Samantala, umaasa ang CAAP na susuportahan ng resulta ng flight data recorder ang kanilang inisyal na pagsisiyasat na pilot error ang dahilan ng aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.