Flawless sexy actress, puro bading ang naging jowa!

NOONG THURSDAY, SA kabila ng mataas na lagnat ni Chariz Solomon, nag-taping pa rin ito sa Tweetbiz. Naisipan daw kasi niya na sandali lang naman daw ang taping hours ng naturang programa at nanghihinayang siya sa talent fee na kikitain. Subalit pagkatapos nitong mag-taping, nakaramdam daw siya ng pagkahilo at naisipang magpahinga muna sa kanyang sasakyan. At habang nagpapahinga, sumuka raw siya ng tatlong beses.

Sa aking exclusive interview, sinabi ni Chariz na since last week pa raw siya inuubo at nagka-tonsilitis. Ang akala raw niya, sa pagod lang. Pero nang mamaga raw ang leeg niya at tumaas ang lagnat niya, nag-panic siya at nagpadala na sa hospital.

Sa X-ray result nito, nalaman ng mga doktor sa St. Luke’s Hospital na nagkaroon ng upper respiratory tract infection at throat viral infection si Chariz. Namaga rin ang leeg nito sanhi ng kulani. Nagbigay raw ng advise ang doktor niya na dapat mag-complete bed rest siya, pero hindi  niya sinunod, at nag taping pa rin siya sa Tweetbiz. Dito na-realize niya na ang kikitain pala niya sa taping ay pambabayad lang daw niya sa bills ng hospital.

Kasama ni Chariz ang kanyang non-showbiz boyfriend na matiyagang nagbantay at nag-alaga sa kanya sa tatlong araw na paglalagi niya sa ospital. Sa ngayon, magaling na si Chariz, pero wala pang advise ang mga doktor niya kung papayagan na siyang ma-discharge sa St. Luke’s, subalit ipagpipilitan daw ni Chariz na makauwi na ngayong Lunes, dahil marami raw siyang work commitment.

BLIND ITEM: SUPER emote ang flawless sexy actress na ito habang nakikipag-usap sa kanyang comedian friend actress. Ang topic? Mga naging jowa niya.

Bakit daw hanggang ngayon wala pa raw siyang seryosong relasyon, samantalang dati raw ang daming guys from showbiz at politics ang nanligaw at nambobola raw sa kanya?

Siyempre, sumagot ang friend niyang actress/comedian ng “Loka! Bakit kasi puro bading ang naging jowa mo?”

Gulat-gulatan naman ang reaksiyon ni flawless sexy actress. “Naku, mga malilinis lang sila sa katawan.”

Hagikgik to the max naman si comedian/actress sabay namesung sa mga naging boyfriend ni flawless sexy actress. Ang ending, parang nauntog si flawless sexy actress, sabay bigkas ng “Kaya pala panay touch sa akin, gusto pala nilang maging flawless na tulad ko!”

Ay, naku! Dami na namang magtatanong kung sino ito. Yes! Billboard model ng sabon diyan sa cubao ‘yung isa, at ‘yung isa naman, model ng kapsula at may billboard sa mga MRT stations. ‘Yun na!

The Lion’s Guard
by Gary de Leon

loading...

6 thoughts on “Flawless sexy actress, puro bading ang naging jowa!

  1. kung puro bading ang naging boyfriend nang actress
    na ito, baka me AIDS na siya. Alam mo naman ang
    mga bading carrier nang AIDS.

  2. keanna via toffe calma?angelica jones?di ko kasi narinig na tinawag na flawles si rupa mae, booba lang,pero parang sya lang naman ang nagkabf ng medyo sikat

    • hay nako! napanood ko ang showbiz central nung sunday at sobra akong nalalaswaan sa suot ni rufa mae. Tinalo pa niya ang magpapadede eh. Paging MTRCB…..

Leave a Reply

Your email address will not be published.