Flawless na bagets, ka-live in ng isang rich na bading! – Ogie Diaz

BONGGADERA NAMAN ANG isang aktor na may kamag-anak na isang young actor. Alam n’yo ba kumbakit? Aba, nakatira lang naman sa isang condo unit ang mokong. Imagine, kahit mahina ang kanyang raket, can afford siya to rent a condo.

Actually, mura lang naman ang condo. 15 to 20 kiyaw lang a month. Pero saan siya kumukuha ng pambayad monthly? Alangan namang sa akin, ‘no! Pero hindi ko sasabihing galing ‘yon sa isang bading.

Naku, hindi ko raw sasabihin, pero nasabi ko na rin, o!

Kurak! Sa isang bading. ‘Yun ngayon ang natsitsismis na dyowa niya, pero super behavioral science ang kanyang pinapairal ngayon. Walang puwedeng makaalam, dahil tiyak na makaaapekto sa kanyang career. Kung meron man.

[ad#post-ad-box]

Anyway, walang dapat pagsisihan ang bading dahil super flawless ang bagets. Ang mga binti, super pata tim, kaya kahit sinong bading ay hahangaring magets siya.

Pero loyal siya sa bading na ito, dahil obvious ba? Sino ba ang nagpe-pay ng condo rentals, ‘no!

Initials? Oh, well, ang kanyang initials, ‘pag pinagsama mo ay hindi mo babawasan, sa halip, dadagdagan mo pa.

Hanggang du’n na lang, dahil ayaw namin talagang magbigay ng initials. Baka ma-misinterpret.

Hehehehe! Ayan, ha? So much na ang clues!

NEXT YEAR AY peak season na ng mga artista, lalo na ng mga stage performers, saka ang mga sikat o kilalang young actors at young actresses. Alam n’yo ba kumbakit?

Natural, election time na. At ‘yang season na ‘yan ang kitaan talaga ng mga artista. ‘Yung iba’y inaabot ng milyon ang kinikita dahil raket kung raket ang ginagawa.

Meron pa ngang halos tumira na sa probinsiya dahil 45 days ang kontrata, matuk n’yo ‘yon?

Bigla tuloy naming naalala si Andrew E na patok na patok pagdating ng kampanya. Nakakalokah ang talent fee na kanyang tinatanggap. Nu’ng 2007 election, alam n’yo ba kung nakamagkano ang “Humanap Ka Ng Panget” na inibig n’yo nang tunay?

‘Day, naka-P7 million lang naman ang kinita ng lolo n’yo, at hindi kataka-taka ‘yon, dahil ilang beses na naming nakasama si Andrew E at talaga namang kahit alas-kuwatro nang umaga mo siya isalang ay kaya niyang gisingin ang natutulog na diwa ng audience.

Ganyan siya kapatok. Namumuhunan lang siya ng sunvisor na kaisa-isa lang, kumbakit ang mga tao’y gustong makuha ito, pero magkakaalaman lang sa pamamagitan ng kung sino sa kanan o sa kaliwa ang may mas malakas na tili at palakpakan.

Kaya ngayon, we suggest na ‘yung ibang artists ay, utang na loob, mag-voice lessons na para naman hindi magasgas ang inyong cd na naglalaman ng mga nili-lipsynch n’yong awitin.

Kahit raket ‘yan, mahalin n’yo ‘yan, kaya dapat, mag-aral kayong kumanta at hindi puro huni ng ibon ang naririnig sa inyo.

SINCE IKINASAL NA si Igi Boy Muhlach ay hindi na rin matutuloy ang pagbibigay ng kotse sa kanya ng amang si Aga Muhlach, gano’n ba?

Dati, ang pangako ni Aga sa anak, makatapos lang ito ng pag-aaral, meron siyang brand new car. Pero ngayong nag-asawa na, ewan, ha? Pero tatay si Aga at nanay si Janice de Belen. I’m sure, hindi nila matitiis si Igi.

Nandiyan pa rin sila sa likod ng kanilang love child.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

7 thoughts on “Flawless na bagets, ka-live in ng isang rich na bading! – Ogie Diaz

  1. Masyado namang OBVIOUS na si BEN CHAN yung bading at yung bago niyang flavor of the month boylet ay si Enchong Dee…

Leave a Reply

Your email address will not be published.