“Flavors of Science” Natikman sa WOFEX

NATIKMAN ANG mga interbensyon ng makabagong agham sa agrikultura nitong nakaraang World Food Exchange kung saan naging bahagi ang isang ahensya ng Kagawaran ng Agham, ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and natural Resources Research and Development (PCAARRD).

Bilang participant sa nasabing expo, nakibahagi ang ahensya sa karamihan ng mga nag exhibit na mga entreprenyur, ahensya ng gobyerno at dayuhang kumpanya na food processor.

Batay sa panayam kay Mr. Butch Pagcaliwagan ng Applied Communication Division (ACD) ng PCAARRD, ang mga kasama nila sa booth ay ang mga natulungan ng ahensya sa jackfruit production at carabao dairy.

Bukod sa nasabing ahensya ng DOST na bahagi ng nasabing expo ay naroon din ang Department of Agriculture at ilan sa kanilang mga ahensyang may kinalaman sa produkyon ng mga organikong gulay.

Sa tatlong araw na itinagal ng nasabing pandaigdigang expo, ilan sa mga nakatikim ng “flavor of science” ay ang mga bumibisitang dayuhan gaya ng mga Korean, European at American na tumingin sa mga local at Asean culinary exhibits at cuisine.

(MJ BALAGUER)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.