Flagman, inararo ng eroplano, patay

 

PATAY ANG ISANG lalaki nang araruhin ito ng bumagsak na eroplano sa bayan ng Maragusan, Compostella Valley kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Bonifacio Cabansang, 42 anyos, flagman, may-asawa ng Purok Buyo, Brgy. Poblacion.

Ayon kay Sr. Supt. Timoteo Pacleb, Provincial Director ng Compostella Valley, naganap ang insidente dakong  5:45 ng hapon sa Hangar Airstrip sa Purok Narra, Brgy. Mapawa.

Nagsasagawa ng aerial spray lulan ng eroplano si Bonifacio Salmorin, 48 anyos ng Purok Sunkist, Poblacion, sa mga pananim ng Dole Stanfilco nang mawalan ng preno ang naturang eroplano at bumulusok kung saan nagta-traffic si Cabansang.

Dinala pa sa ospital ang biktima subalit namatay rin habang ginagamot. Masu-werte namang hindi nasugatan si Salmorin. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.