Fishkill, kinatakutan sa Navotas… Bentahan ng isda sa Navotas fishport, humina

DISMAYADO ANG MGA nagtitinda ng isda sa Navotas Fish Port, Navotas City, sa biglaang pagbagsak at paghina ng kanilang kita simula nang magkaroon ng fishkill sa mga fishpond sa lalawigan ng Batangas, Laguna at Pangasinan dahil umano sa climate change.

Ayon kay Aling Metring, stall owner sa Navotas Fish Port, karaniwang itinitinda nito sa kanyang puwesto ay bangus at tilapia na siyang mabenta, subalit nang biglang maglutangan ang mga bangus sa nasabing mga lalawigan ay lubhang tumumal ang kanilang kita.

Bukod pa rito, pati ang iba nilang isda na paninda gaya ng galunggong, alumahan, tambakol, hasa-hasa, dalagang-bukid, maya-maya ay nadamay na rin at hindi nabibili, kung saan 70% ang ibinaba ng kanilang benta.

Dahil dito, nanawagan sila sa mga mamimili at tinitiyak na ligtas sa fishkill ang kanilang mga panindang isda maging ang bangus at tilapia.

“Malalaman naman nila kung ang isda ay bocha o sariwa. Kapag bocha, masama ang amoy nito at kapag pinisil mo ito ay lumulubog ang laman, lalo na sa mata at hasang nito ay malalaman mo na hindi na ito sariwa,” ani pa ni Aling Metring.

Ayon naman sa mga mamimili sa Navotas Fish Port, naniniguro lamang sila sa kaligtasan ng kanilang pamilya.

“Mahirap naman ‘yung ipagsapalaran natin ang kalusugan ng ating pamilya, kaya hangga’t maaari na makaiwas tayo sa anumang sakit, bakit hindi natin gawin,” ayon naman kay Gina, 32, residente ng Navotas.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.