Fishball vendor, patay sa pusa

TIGOK ANG FISHBALL vendor matapos barilin ng isang alyas ‘Pusa’ nang magkasagian sa eskinita sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Polo Hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg si Jayson Villanda, 28, ng Block 4, Veinte Reales ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Paterno Cabelangan Jr., alyas “Pusa”, 29 ng Sto, Rosario, Veinte Reales ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-9 ng gabi, kapwa nakainom ay nagkasalubong ang biktima at suspek sa eskinita malapit sa bahay ng una at dahil may kasikipan ay nagkasagian.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa magbunot ng baril ang suspek at paputukan ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nasabing ospital.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.