Fish Traders sa Navotas, sumisigaw ng tulong

“TULUNGAN N’YO PO kami.”

Ito ang apela sa media at sa pamahalaang lokal ng Navotas ng mga bumubuo ng Fish Traders Association Daytime (FTAD) sa isinagawang pulong balitaan (press conference) sa loob ng Navotas Fish Port, kamakalawa ng umaga.

Sinabi ni FTAD president Mario Pascual, malaking tulong ang media, upang ipabatid sa publiko na ang kanilang mga panindang isda, partikular na ang Bangus at Tilapia ay hindi apektado ng fish kill.

Hiniling din ng grupo ang tulong ni Navotas Mayor John Rey Tiangco.

Ayon pa kay Pascual na mahigit sa 70,000 fish workers ang naaapektuhan at posibleng mawalan ng trabaho kung patuloy na malulugi ang fishing industry.

Sa kasalukuyan, patuloy na nalulugi ang mga negosyo sa isda, dahil na rin sa hindi pagbili ng publiko ng kanilang paninda sa takot na ito ay apektado ng fish kill.

Binigyang-diin din ni Pascual na hindi naman sa Batangas at Pangasinan nagmumula ang tinda nilang Bangus at ito ay nagmumula sa bahaging Min-danao, Bicol at Palawan.

“Sariwa po ang a-

ming ibinabagsak na isda sa Navotas Fish Port, hindi po namin ilalagay sa peligro ang publiko para lang kumita ng pera,” ani Pascual.

Tiniyak naman ni Mayor Tiangco na bantay-sarado ng Department of Agriculture sa Navotas ang mga isdang ibinabagsak sa Navotas Fish Port, upang matiyak na walang makakalusot na “botcha”.

Matapos ang panawagan, sabay-sabay na kumain ng Bangus ang grupo ni Pascual, Mayor Tiangco at mga mamamahayag.  (ROMAN MAGPOC)

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.