Fish Porter, Kulong sa Tinangay na Itlog

SWAK SA kulungan ang fish vendor matapos nakawin ang mga itlog ng tindero sa Navotas kahapon ng

umaga.

Nakilala ang suspek na si Edgardo Livera, 35 ng Daisy St., North Bay Boulevard South ng lungsod.

Ayon sa biktimang si Joey Rodrigo, 30 ng Bisugo st., NBBS, alas-7:20 ng umaga, abala siya sa kanyang puwesto sa Agora Public Market sa NBBS nang biglang buhatin ng suspek ang anim na tray ng itlog sabay takbo.

Humingi ng tulong sa traffic enforcer na si Fernando Malapit na naging dahilan upang habulin at madakip ang suspek.

 (MARY H. SAPICO

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.