First shooting day ng bagong pelikula, naudlot
Vice Ganda, isinugod daw sa ospital!

EXCITED PA naman si Direk Wenn Deramas sa first shooting nila nina Vice Ganda, Gabby Concepcion at Maricel Soriano para sa pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy, na naka-schedule sana on February 12. Pero naudlot, kaya’t wala pang- shooting schedule dahil hindi nakarating si Vice sa story conference, isinugod pala ito sa hospital. Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit. Pero nilinaw ng aming kausap na okay na ang kalagayan ng komedyante, kailangan lang daw nito ang pahinga.

Habang hinihintay ang availability ni Vice, pinaplantsang maigi ni Direk Wenn ang magiging takbo ng kanyang istorya. Inamin ng box-office director na maganda ang pasok ng 2013 para sa kanya. Siniguro nito riot sa katatawanan ang mga eksena nina Maricel at Vice bilang mag-ina. Maging si Gabby, mapapasabak na rin sa comedy.

“Aaminin ko, fan ako ni Maria, nasubaybayan ko ang mga pelikulang ginawa niya. Para siyang Nida Blanca, kahit saan mo ilagay, mapa-comedy/ drama, nagagampanan niya nang tama plus mahusay pa siyang magsayaw,”say ni Direk Wenn.

After the big success ng Kahit Puso’y Masugatan, kailan kaya ang susunod niyang teleserye sa Kapamilya Network?

“Definitely, may gagawin uli akong soap, hindi pa ngayon. Kailangang tapusin ko muna itong bago kong pelikula sa Star Cinema at Viva Films. Siyempre, drama para balance, comedy ako sa pelikula, drama naman sa telebisyon,” aniya.

 

PALIBHASA PALUNG-PALO sa masang manonood ang teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw nina Robin Padilla, Kris Aquino at Anne Curtis kaya’t marami ang nag-react nang mag-emote si Mariel Rodriguez sa kanyang twitter account na may selos factor siyang nararamdaman sa mga romantic moment nina Robin at Kris. Effective ang dalawa bilang married couple, lagyan pa ni Direk Joyce Bernal ng passionate kissing scene ang dating mag-lover sa simbahan hanggang sa honeymoon nila sa Boracay. Kaya ‘yun, biglang kinurot ang puso ni Mariel.

Natural lamang na may ganu’ng reaction si Mariel kahit alam nitong trabaho lang ‘yun at wala siyang dapat ipag-alala dahil misis na siya ni Robin. Alam kasi ng TV host na naging mag-dyowa noon sina Robin at Kris. Nagpakatotoo lamang si Mariel sa tunay niyang nararamdaman, pero nilinaw nitong walang malisya o ibig ipakahulugan ang sinulat niya sa kanyang Twitter account.

Tuloy, sinasabihan si Mariel na kulang sa pansin (KSP) kaya’t nagpapa-controversial para pag-usapan. Walang dahilan para gawin niya ito, wala naman siyang soap o pelikulang ginagawa. Hindi kailangan nitong mag- ingay para i-promote ang serye ni Robin dahil tinututukan na ito ng publiko plus the fact, ang taas ang rating nito. Maganda kasi ang takbo ng istorya, mabilis ang facing at mahuhusay ang mga artistang nagsisiganap.

Iniintriga ngayon si Mariel pero deadma lang ito sa mga issue na ibinabato sa kanya. Inimbitahan pala siya ni Kristeta na bumisita sa taping pero tumanggi ito. Baka lalo lamang maintriga at bigyang kulay kung sakaling pagbigyan niya ang kahilingan ng TV host-actress. Baka sabihin, binabantayan niya si Binoe habang nagtratrabaho ang asawa.

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “First shooting day ng bagong pelikula, naudlot
Vice Ganda, isinugod daw sa ospital!

  1. para kay joey..pwede ba …masama naman yata ang magtungayaw ka pa..mag comment k na lang ng kahit ano huwag lang tungayaw…swerte nga tayo naaliw tayo  sa mga reporter kahit ppaano ..pero magcomment k ng hindi maganda ..below the belt na yata…tao  at may damdamin c tto swarding ..nassaktan din yan… tulad mo …kase may kapatid din ako na gay…kaya please masakit pakinggan…at masakit basahin…

  2. Oa naman ang selos ni mariel, bakit ano ba ang tingin niya kay kris aquino? Para din niyan sinabi na mang aagaw o mang aakit si kris ng lalaki. Maiintindihan mo pa siya sa pagseselos niya kung wala siya sa showbiz world. Arte niya talaga. 

    • WELL, KINABAHAN LANG NAMAN ANG LOLA MO KASI ALAM NAMAN NG LAHAT ANG NANGYARI NOON. NABALIW DIN SI KRISTETAY KAY BINOE GAYA RIN NINA RUFFING THE COUGAR NA AYAW PATAWAG NA COUGAR, VINA ANG BABAENG MASKULADA, JUDAY SIOPAO NA NAHULI PA NI TITO ALFIE NA MAY GINAGAWANG MILAGRO SA KOTSE, ATBP. MAKAMANDAG KASI SI BINOE SO NATAKOT SI MARIEL NA BAKA MANARIWA ANG MGA HORMONES NILA! HAHAHA

  3. ANG NUMERO UNONG GALING NI KABAYOTIC BEAUTY AY YUNG MABILIS SYANG MAG ISIP AT VERY SPONTANEOUS ANG PAGPAPATAWA KAYA SIYA NAGKI CLICK SA MADLANG PEOPLE. PERO NAMAN TEH, BAWAS BAWASAN ANG PAGIGING HAMBOG AT WALA PA AKONG ALAM NA ARTISTANG HAMBOG NA TLGANG NAGTAGAL SA SHOWBIZ.

Leave a Reply

Your email address will not be published.