First movie pa lang Angeline Quinto,
si Coco Martin na ang leading man!

IKINUWENTO NI Direk Jerome Pobocan na nagulat siya nang malaman niyang si Angeline Quinto ang magiging kapareha ni Coco Martin sa movie niyang Born to Love You ng Star Cinema. “They told me na ipi-pair sina Coco at Angeline. Sabi ko, a newcomer at beterano in terms of performance. People already know Coco as a good dramatic actor sa mga independent films na ginawa niya. Hindi lang dito sa atin, (kundi) maging sa ibang bansa. Si Angeline, hindi man lang sumabak ng drama sa telebisyon. Diretso sa pelikula ang pagsabak sa pag-arte. So, sabi ko, it’s gonna be a challenge. Actually, kinausap ko nga si Coco, pagtulungan natin si Angeline. I’m sure it’s a big challenge for her. Ako, nakita ko agad ‘yung promise. Nakita ko ‘yung dedication na gustong matuto, importante ‘yun. Aside from that, sincere. So, a good actor, para sa akin, is someone who can perform sincerly and can deliver a performance. Hindi dekolor masyado, mas totoo, mas maganda.”

Inamin ni Angeline na medyo nailang siya sa beach scene nila ni Coco with a bikini. “Hindi naman po, joke lang! Ha! Ha! Ha! Siyempre po nu’ng una, niloloko nga po ako ni Direk na magtu-two-piece ako. Sabi ko, hindi pa panahon. Binigyan nga ako ng pelikula, two-piece agad. Sabi ko nga, huwag munang two-piece. Tapos, na-career naman dahil pumayat ako, dahil sa ‘Star Power’, sinasabi nila noon, kamukha ko si Vandolph. Ha! Ha! Ha! Pinagsikapan ko pong maging seksi para rito sa movie namin.”

Reaction ni Coco nang makitang naka-two-piece siya. “Binibiro naming siya, lagot ka, ‘yan na magtu-two-piece na ‘yan. Everyday, lalung-lalo na sa pag-arte, nakikita namin ‘yung improvement. Nag-aaral siyang umarte at sinasabayan niya ng pagda-diet, kaya nu’ng time na beach scene na, kami na talaga ang nagsabing sumobra ‘yung seksi niya.”

Ayon kay Direk Jerome, naka-six or seven kissing scenes sina Coco at Angeline dahil kailangan naman raw sa eksena. “Marami-dami rin, bukod sa kissing scene, mayroon pang nakakikilig na eksena, kaya dapat ninyong panoorin.”

“Gusto ninyo ngayon?” Pabirong sabi ng singer-actress.

“Actually, hindi lang kissing scene, pati ‘yung pagsasampal niya sa akin. Kasi nga, para nga bilang suporta ko sa kanya dahil nahihirapan pa niyang iarte talaga. Sabi ko nga, totohanin mo na para maramdaman mo ‘yung eksena. Ilang beses niya akong pinagsasampal kaya may mga eksena ru’n na hindi pa niya ako sinasampal, automatic, umiilag na ‘yung mukha ko,” sabi naman ni Coco, na nagsabi pang sobra siyang na-proud noong habang nagda-dubbing siya at dahan-dahan niyang napapanood ang pelikula. “Almost eight months inabot ang pelikulang ito. Nang napanood ko na siya, sabi ko, sulit ‘yung pagod na pinaghirapan namin. Hindi man ako bayaran ng malaking pera, pero makagawa ka ng ganitong klaseng pelikula, sulit talaga. Alam ko balang araw, maipagmamalaki ko,” say ng morenong actor.

 

It’s a big responsibility para kay Coco na siya ang magdadala ng pelikula nila ni Angeline. “Nagbibiruan kami ni Direk Jerome, sabi ko,  Angge, baka pagkatapos ng pelikulang ito, ka-limutan mo na kami ni Direk. Baka after nito, hindi mo na kami pansinin. Kasi, kapag napanood ninyo siya, si Angeline, mayroon siyang ano, lalung-lalo na sa mga drama na eksena. Ang lalim ng pinaghuhugutan niya, siguro dahil na rin sa experience niya. Kumbaga, ang laki ng potential na maging isang magaling siyang artista. Sana hindi lang ito ang pagsasamahin naming pelikula. Nakita ko kasi, malaki ang potential niya,” aniya.

Nangarap nga bang maging isang actress si Angeline bukod sa pagiging singer? “Pangarap ko po talagang maging singer po. ‘Yung pagiging actress, pangalawa ‘yun sa panga-rap ko, kaya nu’ng binigyan ako ng chance na makagawa ng pelikula, agad-agad nga, hindi man lang teleserye. Sobra-sobra ang pasasalamat ko, bukod sa pagkakapanalo sa ‘Star Power’, may movie agad ako. Tapos nga ‘yung mga kasama ko pang artista, halos lahat hinahangaan ko, lalo na si Coco,” turan niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

12 thoughts on “First movie pa lang Angeline Quinto,
si Coco Martin na ang leading man!

  1. Na kaka alarma kc Hindi cya Pinaguusapan parang wala Lang unlike sa mga movies  ni JLC n lagging box office hits….nabasa ko nlng sa blog sites n major flopsina ang EBUT!  

  2. GO GO ANGELINE!!!!!!!!!!!!!!FOR SURE INSECURE NA NAMAN SI SG NGOPA SA SUCCESS NG MOVIE MO…………BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA

  3. Wala akung matanungan, kaya d2 nlng me magttanung….star cinema anu ang status ng movie nyo na EBUT? …lingo khpn we watchd d movie bad sad 2 say iilan Lang kami s gaisano mall davao…sad Lang we like Angelika p namn …sana c Sam milby or coco m nlng yung partner Nya kc ok namn yung story Pero Hindi n bagal para Kay Piolo ang role n yun :( 

  4. INDAY PALITAN MO ANG MAKE UP ARTIST MO AT KUNG SINO MAN ANG STYLIST MO KALUKA GINAGAWA KANG CHEAP AT ANG KAPAL NG FOUNDATION MO DAY. AS USUAL ITO ANG PAPALIT KE SARAT SA ABS HAHAHA BAKA MAINSECURE NA NAMAN ANG BABAITANG SARAT NA IYAN AT MAG DEMAND SA ABS HAHAHA..

  5. bakit ba pinipilit na gawing baduy/anga-angahan yang si angeline? edukada yan. sa private school yan nagkapag-aral. gawin sya kung ano talaga sya. wag yung ganyang para lang sumikat, gawing engotista. magaling naman sya at may ibubuga. hindi kelangang gawin syang aanga-anga.

  6. BIGYAN NATIN NG CHANCE SI AGELINE NA MAPATUNAYAN NIYA ANG SARILI NIYA AS AN ACTRESS… MALAY NYO, HINDI PALA NATIN ENEEXPECT EH MAGING BOX OFFICE HIT PALA ITO DI BA?

  7. she deserves it.  pero oo nga as in lumabas na ba siya kahit cameo role sa teleserye man lang hinde pa weh.. pero wag naten menosin c angge baka gulatin tayo sa performance nia.. star cinema won’t give a movie sa artista kung alam  nila na wala tong potential… knowing star cinema..pinagisipan at inaghandaan yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.