First Indonesian movie ni Teejay Marquez, showing na sa June 9 sa nasabing bansa

Teejay Marquez

Teejay Marquez

Kahit sobrang busy sa dami ng trabaho ng Pinoy Indonesian Star na si Teejay Marquez sa Jakarta, Indonesia, kung saan ito naka-base ngayon at gumagawa ng pangalan, naglaan ito ng oras para maka-chat namin at malaman ang update ng kanyang mga proyekto sa said country.
Panimula nga ni Teejay Marquez, “Okey naman po ako rito. Medyo busy lang. Pero gusto ko ‘yun na araw-araw may ginagawa ako at may trabaho. Ito kasi ang paraan ko para hindi ma-homesick, kailangang magtrabaho ako nang magtrabaho.
“Ngayon po, medyo busy sa promo ng pelikuka namin, ‘yung “Dubsmash The Movie”. Bale first movie ko rito sa Indonesia. Ganapin ‘yung premiere night namin sa June 2 at showing naman ito on June 9.
“Busy rin ako sa mga TV guestings at promo ng movie na gagawin ko buong June. And busy rin sa taping ng first soap ko rito sa Indonesia.”
After nga raw ng showing ng kanilang pelikula, may next movie na agad na gagawin si Teejay ngayong taon. Kaya naman magiging doble busy ito sa mga susunod pang mga araw.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.