First Grand Fans day at Birthday Show ni Teejay Marquez, binagyo ng supporters!

KAHIT INULAN AT BINAGYO, naging isang napakalaking tagumpay ang kauna-unahang Grand Fans Day/ Birthday Show ni Teejay Marquez na regular cast ng Tween Hearts, Walang Tulugan with the Master Showman, Time of My Life, at sa bagong afternoon soap ng GMA-7, ang Ikaw Lang ang Mamahalin, at endorser ng FUBU, na ginanap sa SM Center Valenzuela, hosted by Johna Chuchu of DZBB Walang Siyesta at Master Showman.

Daan-daang kabataang humahanga kay Teejay ang sumugod sa ulan at baha para lang makasama ang young actor at makiselebra sa kanyang kaarawan, kung saan una itong nag-celebrate sa Walang Tulugan at Tween Hearts. Present din ang bumubuo at miyembro ng kanyang fans club, ang “Teejaynatics” na pinamumunuan ni Crissel at ang “Team Teejay” na pinamumunuan naman nina Alds.

Bukod sa kantahan at awitan, nag-enjoy ang mga tagahanga ni Teejay sa iba’t ibang parlor games kasama mismo ang young actor. Espesyal na panauhin naman ni Teejay ang kanyang co-Tweens na sina Kristoffer Martin at Kim Komatsu, Gigger

Boys member na si Benjamin De Guzman, newest Pinoy boy band na Upgrade, singer/ commercial model na si Kenjie Mercado at ang Dance Squad dancers.

Sinuportahan naman si Teejay ng SM Center Valenzuela, FUBU, Royale Patisserie nina Sir Edward Mateo at JC Sia, Select Soy Sauce, New Placenta, Showbiz Sosyal, Quadrado Shirts, Chowking , Saramed Signatures, Tony and Jackey Salon, Jollibee at F&S Tailoring nina Mr. Jun at Jovan Dela Cruz.

By John Fontanilla

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

5 thoughts on “First Grand Fans day at Birthday Show ni Teejay Marquez, binagyo ng supporters!

Leave a Reply

Your email address will not be published.