First Convict sa Tax Case, Nakatakas

 

HINDI NA mahagilap ng mga kinauukulan si Gloria Kintanar, distributor ng Forever Living Products, na siyang kauna-unahang na-convict ng Court of Tax Appeals (CTA) sa isinampang tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Si Gloria Kintanar ay hina-tulan kamakalawa ng CTA ng apat na taong pagkabilanggo dahil sa P7 milyon na hindi nito nabayarang buwis noong mga nakaraang taon.

Sinabi ni Atty. Jayson Torres ng BIR na hindi nakaharap kahapon si Kintanar sa korte dahil naka-confine ito sa Velasco Hospital sa Silang, Cavite.

Pero nang isisilbi na ng sheriff ng CTA at ng mga kasamahan nitong PNP at ng BIR ang bench warrant ay wala na roon si Kintanar at lumabas na ito ng pagamutan.

Posibleng hindi rin alam ng abogado ni Kintanar na lalabas na ito sa ospital, ani Torres.

Sa ngayon, tinitingnan pa rin ng pulisya sa ibang address na nakasaad sa rekord ng kor-te para isilbi ang warrant.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.