First Bus Ambulance sa ‘Pinas, Kasado na sa Davao City

DALAWANG LINGGO mula ngayon gagamitin na sa Davao City ang bagong state-of-the-art bus ambulance na una umano sa buong bansa kung saan meron itong 15 bed capacity para sa mga pasyente.

Sinabi ni Central 911 head Emmanuel Jaldon na ang bus ambulance ay maaari umanong makaresponde kung may isasagawang rescue operations lalo na’t may ilang mga gamit na ito na makikita rin sa isang pagamutan.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang dagdag na mga medical equipment na ilalagay sa loob ng bus bago simulan ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Ayon naman kay Public Safety Command Center (PSCC) chief Francisco Villaroman, malaking tulong ang naturang bus ambulance lalo na ngayon na may problema na ang ilang mga ambulansiya ng lungsod at kailangan nang palitan.

Liban sa makikitang 15 higaan para sa mga pasyente, meron din itong oxygen tanks, hooks ng dextrose bottles, at storage ng emergency equipment para sa isasagawang rescue operations.

Samantala, napag-alaman na maari rin itong hiramin ng ibang mga lugar sa Davao region kung kakailanganin lalo na sa panahon emergency.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.