First-born is only 6-month old: Alfred Vargas’ wife is already 4 months pregnant!

ANG DAMI PANG nagbubuntisan ngayon huh!

Sa gitna ng isyu ng RH Bill, ang dami namang mga artista nating nabuntis.

Bukod siyempre si Regine Velasquez, napabalita na ring buntis si Kristine Hermosa, Carlene Aguilar at Glydel Mercado.

Masayang-masaya naman si Danica Sotto dahil baby girl naman ang ipinagbubuntis niya at six months na ito.

Tuwang-tuwa sila ni Marc Pingris dahil may baby boy na sila, ngayon girl naman, kaya kumpleto na sila.

Ayaw pa ring magsalita ni Manilyn Reynes hanggang ngayon dahil maselan pa rin ang kalagayan niyang magpi-pitong buwang buntis na siya.Total bed rest pa rin kasi siya dahil sa Placenta Previa Totalis na pinagdaraanan nito.

Isang baby boy ang dinadala nito at bale pangatlong baby boy na nila ito ni Aljon Jimenez bukod sa ‘yung nakunan siya. Hanggang sa makapanganak na raw ito na bed rest siya, kaya maingat na binabantayan ito ni Aljon.

Mabuting huwag na raw munang magpa-interview hanggang sa makapanganak dahil maselan talaga ang dinadala niya ngayon. Sana nga maging okay na si Mane hanggang sa makapanganak ito.

Ang nadagdag naman ngayon sa listahan ng mga buntis ay si Angelu de Leon na apat na linggong buntis na nga.

Nu’ng Sabado naman habang nasa Startalk kami ay nakatanggap ng text message si Ricky Lo mula kay Sherilyn Reyes na buntis na rin pala ito.

Ang saya nila dahil bestfriends itong sina Sherilyn, Angelu at pati na rin yata si Manilyn kaya isa sa mga araw na ito talagang paparada sila ng mga bago nilang baby.

 

NAKAHINGA NA RIN nang maluwag si Alfred Vargas dahil finally, inamin na rin niya sa publiko ang tunay na kalagayan nila ng asawa niyang si Yasmine Espiritu pagkatapos nilang magpakasal sa Supreme Court nun’g nakaraang taon.

Pagkatapos ng kanilang civil wedding, tumuloy na si Yasmine sa Italy para roon niya isilang ang baby nila ni Alfred. Isang baby girl ito na pinangalanan nilang si Alexandra Milan.

Sa Sabado na nila ito pabibinyagan na ilan sa kinuha nilang ninong at ninang ay sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Paolo Contis, Iza Calzado, Diana Zubiri, Ricky Lo, Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

Ang dagdag pang nakakalokang rebelasyon ni Alfred, buntis na naman ang dyowa niya! Four months pregnant na naman si Yasmine, pero six months pa lang ang una nilang baby.

Binilang nga nila, sa October daw ang schedule ng panganganak ni Yasmine at tamang-tama, isang taon na ang kanilang first baby na si Alexandra.

Sabi nga ni Alfred, ganu’n nga raw yata ang sobrang nagmamahalan, napaka-productive.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “First-born is only 6-month old: Alfred Vargas’ wife is already 4 months pregnant!

  1. putang ina nyo,magsubuan n lng kayo ng hotdog.mga ulol!!!PAK YU!!!!!!!!!.

    P.S. hawig ni marian rivera ung asawa ni vargas,sarap tirahin sa ilong, tenga at mata.mgndang ipa-rape to kay kuya germs.HAHAHAH! 

  2. anong connection ang political ambition? kung dahil jan e di dapat tinago na lng niya o sinabi during the campaign para iboto siya. sira! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.