Fire Prevention Month sa Navotas, Pinaghandaan

PINATINDI ANG kahandaan sa Fire Prevention Month sa Navotas City, para makaiwas sa sunog na naging sanhi ng pagkawala ng tahanan, ari-arian at maging ng buhay, kung saan kamakailan lamang ay tinupok ng apoy ang higit sa 15 kabahayan sa Brgy. Tangos ng nasabing lungsod.

Nakiisa ang Navotas Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMO) sa kampaya ng Bureau of Fire Protection (BFP), para makaiwas sa sunog, ang programang “Makiisa, Makialam at Maki-pagtulungan Upang Sunog ay Maiwasan”.

Nitong nakalipas na buwan, pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, ang Disaster Preparedness Orientation para sa mga magulang, guro, mag-aaral at mga residente sa North Bay Boulevard South Elementary School, para sa isang kaalaman at mga hakbang sa pag-iwas sa sunog.

Isa sa mga nagiging sanhi ng sunog ay ang iligal na koneksyon ng kuryente sa lugar na isa rin sa naging dahilan ng sunog kamakailan sa Brgy. Tangos na ikinawala ng ta-hanan ng may 60 pamilya.

Kaugnay nito, sa unang araw ng buwan ng Marso ay nagsagawa ng motorcade ang pamahalaang lungsod para makiisa sa kampanya ng Bureau of Fire Protection at inilunsad ang kampanya sa pagbibigay ng impormasyon upang makaiwas sa sunog.

Tumulong din ang tanggapan Publi Information Office ng lungsod sa pamimigay at pagdidikit ng mga materyales at nakasaad ang mga impormasyon kung paano maiwasan at masugpo sakaling magkasunog.

Kasama rin sa paglulunsad ng programa ang pag-uutos sa limang araw na pagsasanay sa mga fire volunteer. Nagtakda rin ng Fire Fighting Olympic hanggang sa matapos ang buwan na kinabibilangan ng 11 fire brigade, 14 barangay at edukasyon institusyunal na makisama sa nasabing programa.

Ang lungsod ay mayroon isang sasakyan na pang-rescue at 16 sasakyan pamatay-sunog at iba pang pribadong grupo o mga NGO’s na nakahandang

tumulong anuman oras na sakuna.      (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.