Fire Fighting Olympics, Tagumpay

NAGING MATAGUMPAY ang isinagawang Fire Fighting Olympics sa Navotas City sa pagtatapos ng buwan ng Fire Prevention month, araw ng Sabado.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco, ang naturang aktibidades bilang suporta sa mga fire volunteers ng iba’t ibang barangays at fire brigade volunteer.

Tinagurian ding mga ‘bagong bayani’ ang mga fire volunteer ng kanilang lungsod dahil sa naka-handa silang ibuwis ang kanilang buhay maisalba lamang ang buhay ng kanilang kababayan sa oras ng nasa panganib at may nagaganap na sunog.

Ang proyektong ito ay isang hakbang ng nasabing lokal na pamahalaan upang mapagtibay ang samahan, kakayahan at kaalaman ng mga volunteer sa pagsugpo sa sunog.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.