Final Testing sa PCOS Machines, Sinimulan na

UMARANGKADA NA ang final testing at sealing sa mga gagamiting precinct count optical scan (PCOS) machines sa eleksyon sa Mayo 13.

Sa Gotamco Elementary School sa Pasay City, pina-ngunahan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes ang pagsusuri sa mga makina.

21 PCOS machines ang inilagay sa mga presinto sa mababang paaralan.

Sa ilalim ng final testing, papasukan ng 10 balota ang bawat makina at kukunin ang resultang lalabas dito.

Kailangang magtugma ng bilang ng PCOS sa mano-manong pagbilang sa mga boto.

Matapos nito, seselyuhan na ang PCOS machine at muli na lamang gagamitin sa araw ng halalan.

Sakali namang magkaroon ng problema, papalitan ang makina sa presinto.

Kasabay ng pag-deliver sa 21 PCOS machines sa Gotamco, inihatid na rin ng Air 21 ang 50,000 makina sa Luzon at Mindanao.

Kasalukuyang nasa 90% na ng mga makina ang nai-deliver sa Metro Manila, habang 98% ang sa Mindanao.

Samantala, ang kumpanyang 2Go naman ang nakatalagang magdala ng PCOS machines sa Visayas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.