Final Ruling sa Party List, Ilalabas na

ILALABAS NA ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na en banc session ang pinal na desisyon sa kapalaran ng mahigit 40 partylist organizations.

Ito ang inihayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa hiling ng mga grupo, lalo’t nangangampanya sila ngayon su-

balit walang katiyakan kung makakalahok sa partylist race.

Sinabi ni Brillantes na bagama’t may mga inisyal na silang opinyon sa kaso, wala pa namang nabubuong final ruling na pirmado ng full en banc.

Una rito, sinabi ng Comelec na 30 ang muli nilang mapapayagang makasali sa eleksyon, matapos ibalik ng Supreme Court at maglabas ng mga bagong patakaran sa partylist accreditation.

Samantala, aabot naman sa 10 ang tuluyang mababasura sa mga aplikasyon dahil sa kakulangan ng track record.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.