Filipino, Gagamitin ng Prosekusyon

DAHIL SA kahilingan ng maraming mga Pinoy na gawin ang impeachment proceedings laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa mas naiintindihan ng maraming mga mamamayan, tiniyak ng prosekusyon na gagawin nilang Filipino o Tagalog hangga’t maaari.

Ayon kay House prosecutors na si Rep. Neri Colmenares, kapag siya na ang nakasalang lalo na sa Article 1 at Article 7 ay pipilitin niyang gumamit ng wikang Filipino sa kabuuan ng proceedings.

Aminado rin ang mambabatas na may kahirapan dahil ang ginagamit na rules of court ay nasa salitang Ingles.

Inihalimbawa ni Colmenares ang paggamit ng salitang “impeach” na mahirap isalin sa wikang Filipino.

Maging siya ay hirap ding mag-Tagalog dahil sa pagiging Bisaya niya (Bacolod City, Negros Occidental), kaya maganda rin sana na masabihan ang iba pang kasama sa impeachment trial.

“You know its better to addres the proceedings to the very people who are supposed to place their trust in their cheif justice, who’s trust has been betrayed… kaya mas maganda ang Tagalog or mag-Filipino all throughout the proceedings,” dagdad pa ni Colmenares.

Nabanggit naman ng iba pang miyembro ng prosekusyon na sina Aurora Rep. Sonny Angara at CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, simula kahapon ay magsasalita na ng Filipino ang prosekusyon upang mas lubos na maintindihan ng publiko ang mga nangyayari sa impeachment trial.

Bagama’t mahirap din umanong isalin sa wikang Tagalog ang ibang mga legal terms, pipilitin pa rin nila itong ipaliwanag sa mas mababaw na salita, kung saan kahit ang sinumang ordinaryong tao ay maiintindihan ito.

Paliwanag pa ng mga mambabatas, isa sa maaari nilang gawin sa wikang Filipino ay ang paraan ng pagtatanong sa mga testigo gayundin ang pakikipagdebate sa depensa.

Tulad ng inaasahan, pabor si Sen. Lito Lapid na gawing

Filipino ang impeachment trial.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.