Fil-Canadian RnB sensation Zacariah in Manila

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

OLA CHIKA! NASA bansa ngayon ang 21 years old Filipino-Canadian RnB sensation na si Zacariah upang mag-release ng kanyang album sa bansa. Nawindang ang aking ulirat nang makita ko ang singer na ito. Bukod sa mabait at guwapo, napaka-down to earth. Hindi mo aakalaing siya ang nasa likod ng sikat na kanta ngayon, lalo na sa Davao kung saan ito no. 1, ang kantang “Suko Na”, na pinatutugtog sa lahat ng FM station sa bansa.

Nang mag-guest sa aking programa sa radyo sa DZRH itong si Zacariah, halos mag-nosebleed ako sa kaka-Ingles, ‘yun pala, mas magaling pang mag-Tagalog sa lola n’yo, huh! According to him, kahit doon siya lumaki sa Canada, Filipino pa rin ang ginagamit niya lalo na sa bahay. ‘Pag nasa labas lang at with his friends, siyempre, English na.

Pero naaliw ako sa kanya, hindi lang sa pagkanta kundi pati sa kanyang pagsasalita, dahil hindi man lang nagkabaluktot-baluktot ang dila ng bagets na ito.

Nakaka-in love ang kanyang mga kanta, at may ni-revive din niya ang kanta ni Rochelle Nava na Dahil Mahal na Mahal Kita, at sa version nga ng guwapong singer, mas lalong pinaganda at mai-in love ka talaga. May walong kantang nakapaloob sa kanyang album – “Dahil Mahal na Mahal Kita”, “Suko Na”, “Masyadong Umasa Ako”, “You’re Always There”, “Should’ve Never Ever Let You Go”, “Hindi na Kita Maabot”, “Bakit Iniwan Mo”, at ang “O, Hindi”.

Super busy ang guwapong singer na ito, dahil sa kanyang sunud-sunod na schedule at mall tours. Kaya para makuha ninyo ang kanyang mga gigs schedule, buksan n’yo lang ang kanyang website: www.zacariah.net. Kaya visit na!

HUMINGI NG PAUMANHIN ang pamunuan ng MMK sa UPLB dahil sa hindi pagkonsulta ng kanilang writers sa nasabing unibersidad sa episode na Blusa na ginampanan ni Angel Locsin.

Naayos na nila ang gusot na ipinoprotesta ng mga alumni ng UPLB, at binalikan din nila ang letter sender, kinausap at pinandigan naman nito ang kanyang naisulat sa MMK. Gusto lang ng MMK na maibahagi sa kanilang mga manonood ang mga aral at leksiyon na nangyari sa totoong buhay.

Kung matatandaan ng lahat na naibahagi ko sa MMK ang totoong nangyari sa aking buhay na ginampanan ni Vhong Navarro. Maganda at naayos na ang gusot. ‘Yun na!

GIRL BONDING, ‘IKA nga ni Gretchen Barretto, ang binitiwan nitong pahayag bago sila umalis nina Pops Fernandez at BB GandangHari papuntang Bohol.

‘Eto ang naibulong ng aking parazzi girl, na kaya pala pumunta ang tatlo sa Bohol, gustong damayan nina Gretchen at BB ang bagong hiwalay na si Pops sa dyowa nitong si Jomari Yllana.

Masyadong nasaktan si Pops sa nangyaring break-up, kaya kinailangan daw niyang mag-relax upang makalimutan ang sakit ng hiwalayan. Dagdag pa ng aking parazzi girl, magsu-swimming na lang daw muna ang tatlo roon, at magliliwaliw upang makalimutan ang sakit, huh!

Natatawa ako at hindi ko ma-imagine nang maibulong sa akin ng aking parazzi girl na magtu-two-piece si BB Gandanghari, huh!

Naloka ako, baka lumabas ang kanyang malaking kipay! Hahaha! Chika pa ulit na baka biglang manigas ang kipay ni BB ‘pag nakakita ng type niyang boys, huh! Nakakaloka! ‘Yun na!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.