Fifth Solomon, naghirap sa Australia bago naging director

Fifth Solomon

SI FIFTH SOLOMON na dating PBB housemate ang director ng pelikulang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Vin Abrenica.

Pero hindi rin pala naging madali ang pinagdaanan ni Fifth habang nag-aaral siya ng Film sa Australia.

“Nu’ng 2016 nagpunta akong Australia tapos nag-master’s degree ako du’n ng Media. Naghirap ako du’n, naghugas ng plato at gumawa ng kape.

“Kasi kailangan mong mag-part-time job habang nag-aaral ka kasi ang mahal ng cost of living. Meron pa akong semester na hindi natatapos.Bumalik ako dito kasi parang marami ng mga pelikula na gusto ko nang gawin,” kuwento niya.

May balak si Fifth na tapusin ang kanyang  master’s degree sa Australia kapag nagkaroon ng pagkakataon.

 “Hindi ko natapos kasi dinugo ako sa accent nila.  Ang hirap,” natatawa niyang pahayag.

“Pero tatapusin ko. Bumalik lang ako kasi gusto ko ng ambag sa industriya ng pelikulang Pilipino. Gusto ko pa rin umarte sa harap ngcamera pero siyempre mas magpo-focus na ako sa directing ngayon, sa pagsusulat.

“Kasi mas malaki ’yung pera at saka mahal ko ‘yung ginagawa ko.Ang sarap ’pag nag-shoot ka tapos makita mong ’yung sinulat mo, ’yungdinirek mo. Ang sarap ng feeling na makapag-ambag ng kuwento sa ibang tao,” pahayag  pa ng newbie director.

Showing na ang Nakalimutan Kong Kalimutan Ka sa Sept. 19.

 

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.