Fetus, tinangay ng pusa sa bubong

LABIS NA panghihiklabot ang naramdaman ng isang mag-anak nang matagpuan sa kanilang bubong ang isang fetus sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Ayon kay Eileen Vito, residente ng Number 16 Marcos Highway, Brgy. Mayamot, Antipolo City, nagulantang sila kahapon ng umaga sa pag-atungal ng pusa kaya naman kanila nilang sinilip ang bubungan at tumambad ang fetus na lalaki.

Sa pagsisiyasat, nasa lima hanggang anim na buwan ang fetus habang posibleng tatlong araw na itong patay.

Sinabi ni Ginang Vito na ang kanyang anak na lalaki ang nakatagpo sa fetus nang utusan niya itong itaboy ang inaakalang naglalampungang pusa.

Subalit ang nasabing bangkay pala ang dahilan ng pag-ungol ng pusa at posible rin anilang itinapon na lamang sa kanilang bubong ang fetus.

Agad namang ipinagbi-gay-alam sa awtoridad ang pagkakatagpo sa fetus at inilibing sa sementeryo.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.