Fetus sa garapon, nakakalat sa kalsada

NATAGPUANG NAKAKALAT SA kalsada ang fetus na nakasilid sa garapon kamakalawa ng umaga sa Navotas City .

Tinatayang nasa 5 hanggang 6 na buwan ang fetus na babae na dinala na sa sementeryo upang mailibing na nang maayos.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:50 ng umaga nang makita ang fetus sa C-3 Road., Virgo Drive, North Bay Boulevard South (NBBS) ng nabanggit na lungsod.

Isang residente ng lugar ang naglalakad at napansin ang isang garapon sa gilid ng kalsada.

Nang tignan ay laking gulat nang makita na fetus ang laman na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang iresponsableng nagtapon ng fetus.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.