Fetus, Pinalutang sa Ilog

PINALUTANG SA ilog ang patay na fetus na lalaki sa ilog sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Tinatayang nasa apat hanggang limang buwan ang fetus na inilagay sa kahon bago isinilid sa asul na plastic bag.

Batay sa ulat, alas-7:30 ng umaga nang makita ang kahon na palutang-lutang sa ilog sa Takino St., Bangkulasi ng lungsod.

Nang iahon ay la-king gulat nang makitang fetus ang laman na ipinagbigay-alam sa mga pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nagtapon ng fetus sa ilog.

(MARY H. SAPICO)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.