Fetus, Natagpuan sa Simbahan

WALANG PUSO ang sariling ina na basta na lamang nitong itinapon ang fetus sa likod ng simbahan kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Ayon sa Scence of the Crime Operatives (SOCO) ng Northern Police District (NPD), ang fetus ay isang babae at tinatayang nasa anim hanggang walong buwan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang fetus na nakasilid sa kahon at itinapon sa basurahan sa bandang likod ng simbahan ng San Bartolome sa Sacristia St., Brgy. San Agustin, Malabon City.

Sa salaysay ni Rodolfo Maravilla, 42, basurero ng Sacristia St., Brgy. San Agustin ng lungsod, napansin nito ang isang kahon sa basurahan na malapit lang sa kanyang bahay.

Inakala nitong mapapakinabangan ang kahon kung kaya’t binulatlat niya hanggang sa bumulaga sa kanyang harapan ang fetus. Dahilan upang

ipaalam nito sa pulisya ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.