Fetus, Natagpuan sa Puno ng Balete

NABULABOG ANG mga residente matapos matagpuan ang isang fetus sa tabi ng puno ng balete kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ayon sa pulisya, tinatayang nasa 4 hanggang 5 buwan ang fetus at hindi pa malaman ang kasarian nito subalit buo na rin ang mga kamay at paa.

Dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang fetus sa bakanteng lote sa Urban Subdivision, Brgy. 171 ng nasabing lungsod na nakabalot sa lampin at nakasilid sa plastic.

Nakita ng mga batang naglalaro sa naturang puno ang plastik sa pag-aakalang kalakal ay kanila itong pinulot at dito bumulaga sa kanilang harapan ang fetus. Dahilan upang ipagbigay sa pulisya ang nasabing insidente.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad para papanagutin ang responsableng nagtapon sa fetus. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.