Fetus, natagpuan sa CR ng Jollibee

LAKING GULAT NA lamang ng mga naiwang empleyado ng isang fast food chain nang tu-mambad sa mga ito na fetus pala ang laman ng paper bag na nakalagay sa tabi ng basurahan sa loob ng female comfort room sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ang natagpuang fetus ay tinatayang nasa 4 hanggang 5 buwan, na pansamantalang inilagay sa barangay hall ng Brgy. 15 ng nasabing lungsod upang mabigyan ng maayos na libing.

Sa nakalap na ulat mula kay SPO2 Bobby Mario Egera ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Caloocan-PNP, ganap na alas-dos ng madaling-araw nang matagpuan ang fetus sa female comfort room ng Jollibee na matatagpuan sa kahabaan ng A. Mabini St., 10th Ave., Brgy. 15.

Ayon sa unang nakakita na si Edwin Canwa, naglilinis umano ito at naglalagay ng mga pamatay-peste sa naturang palikuran nang mapansin ang isang paper bag sa gilid ng basurahan, kung saan nang kanyang alamin ang laman ay nagulat na lang ito nang mabatid na fetus ang nasa loob.

Agad na ipinaalam ni Canwa ang insidente sa ilang kasama-han na mabilis namang tumawag sa himpilan ng pulisya upang i-report ang natagpuan.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung sino ang nag-iwan ng fetus at mapanagot sa ginawang pag-abandona.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.