Fetus nalambat ng mangingisda

SA HALIP NA isda ang mahuli, isang fetus na nakabalot sa plastic bag ang nalambat ng mangingisda sa karagatan ng Navotas City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang malambat ang fetus na tinatayang nasa edad 5-6 na buwan sa karagatan ng North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.

Ayon kay Mang Canor, mangingisda, kasalukuyan nitong inaahon ang kanyang lambat sa pag-aakalang isda ang nahuli, ngunit nagulat ito na ang laman ng plastic bag ay fetus.

Agad siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya at ipinaalam ang nasabing insidente.

Inaalam na ng pulisya kung sinong walang pusong ina ang nagtapon ng fetus para papanagutin sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.