Fetus, itinapon sa basurahan

ISANG LIMANG BUWANG fetus ang natagpuan ng isang  matandang babae, matapos itapon sa basurahan ng kanyang walng budhing ina sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO3 Jerry Dela Torre, bandang alas 7:00 ng umaga nang matagpuan ng isang nagngangalang “Martha” ang sanggol habang nangangalkal ng basura sa Malabon Central Market sa F. Sevilla Boulevard.

Laking gulat ng matandang babae nang bumulaga sa kanya ang isang plastic bag na naglalaman ng fetus.

“Akala ko nga pagkakakitaan na, ‘yun pala ay patay na sanggol. Kung sino man ang nagtapon ng bata, sana makunsensiya naman siya,” pahayag ng matanda.

Dinala sa Nate Funeral Homes ang fetus upang bigyan ng maayos na libingan.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.