Fetus, isinama sa panindang prutas

NAGULANTANG ANG MGA tindera at mamimili sa compound ng isang mall nang matagpuan ang isang babaeng fetus na basta na lamang iniwan sa tabi ng fruit stand sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ang fetus na inilagay sa isang plastic bag sa tabi ng fruit stand sa compound ng Victory Mall na matatagpuan sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension ng nasabing lungsod.

Ayon sa mga tindera sa naturang lugar, hindi nila napansin kung sino ang nag-iwan ng fetus na inilagay sa plastic bag kung saan ay nagpanggap itong mamimili.

Abala umano ang mga tindera sa pag-asikaso sa kanilang mga parukyano nang isa sa mga ito ang nakapansin ng iniwang plastic bag sa tabi ng kanilang fruit stand.

Nang usisain ng mga ito ang laman ng plastic bag, nagulantang ang mga tindera at mamimili nang makita ang babaeng fetus na tinatayang nasa pitong buwan.

Agad na ipinagbigay-alam ng mga ito sa mga tauhan ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) ang kanilang natagpuan na mabilis namang tumawag sa himpilan ng pulisya.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.