Fetus, Iniwan sa Labas ng Simbahan

INIWAN NG hindi pa kilalang suspek ang fetus na lalaki na nasa 7 buwan sa labas ng simbahan sa Navotas kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat, alas-5:30 ng madaling-araw nang mapansin ng isang residente ang kahon ng sapatos habang nakabalot ng tuwalya sa labas ng San Jose Church sa M. Naval St., San Jose ng lungsod.

Nang buksan ay tumambad ang fetus na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis.

Itinawag ng mga pulis sa mga namamahala ng sementeryo sa lungsod kung saan inilibing ang fetus.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.