Fetus, inilublob sa urinal

NAKASUSULASOK NA amoy ang sumingaw sa natagpuang limang buwan na fetus habang nakalublob sa urinal ng comfort room ng mga kalalakihan sa isang gas station sa Quezon City.

Base sa report, ang fetus ay nadiskubre ng isang Doresa Olaya, 42, utility worker/caretaker habang nakalublob sa comfort room ng mga lalaki sa may Caltex gas station na matatagpuan sa Quirino Highway Forest Hill, Brgy. Gulod, Novaliches, ganap na alas-6 ng umaga.

Ayon kay Olaya, maglilinis sana siya ng comfort room nang mapuna niya ang masangsang na amoy na tila nabubulok na hayop sa loob nito. Dito na nakita ni Olaya ang naagnas na fetus.

Giit ng mga kawani ng gas station, wala silang napunang kakaibang nangyari sa CR o sinumang tao na pumasok sa palikuran na maaring magtapon ng naturang fetus.

Samantala, sabi ng mga awtoridad na maaring lalaki rin ang nagtapon ng fetus para hindi mahalata dahil imposibleng gumamit ng palikuran ang mga babae sa mga pinasukan ng mga lalaki.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nabanggit na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.