Female Young Star, mukhang kawawa dahil sa mga tito!

BLIND ITEM: IN the news ngayon ang female young star na anak ng isang sikat na male personality pero nakaaawa dahil kahit na sikat ang kanyang magulang, wala siyang sariling kotse at wala rin siyang sariling bahay.

Pero may kuwento ang malungkot na istoryang ‘yan. Pasok!!!

“Hay, naku! Dapat sana e, she was born with a silver spoon pero dahil sa kanyang mga walang kuwentang uncle na kapatid ng kanyang sikat na papa e, walang nangyayari sa kanya. Wala siyang sariling pera at wala ring sariling  tirahan,” sabi ng aming baklang source na malapit sa female young star.

“Ang true niyan, binigyan siya ng kanyang sikat na Papa ng sariling condo. Malaki ang condo sa Kyusi. Kaya lang, sira talaga ang ulo ng kanyang uncle.

“Aba, tumira sa condo na ‘yon ang kanyang uncle kasama ang kanyang girlfriend at ang kapatid ng kanyang girlfriend kaya ayun, nabulabog ang female young star kaya napilitang mag-rent na lang ng maliit na apartment.

“Wala namang magawa ang sikat na magulang ni young star dahil pinagbibigyan niya ang kanyang kapatid sa kahilingan na rin ng kanilang matanda nang madir.

“Ngayon, binigyan din ni fadir ang female young star ng magandang kotse para meron siyang magamit pero ang nangyari, hiniram ito ng isa pa niyang uncle pero hindi na naibalik.

“Hindi na rin nagreklamo ang sikat na ama ng female young star and again, dahil ito sa kahilingan ng kanyang madir na talaga namang love na love niya.

“At ang da height, pati ang allowance na ibinibigay ni fadir sa kanyang anak na sikat na female young star,e,inuutang ng kanyang mga uncle at hindi naman mapakialaman ng beteranong star na ama ng ating bida dahil muli sa kanilang matapang din na ina.

“Nakaaawa lang dahil ang nagsa-suffer ng lahat ng ito e, ang female young star na kahit na may weekly taping dahil sa kanyang bagong teleserye e, napipilitang mag-taxi imbes na nakasakay siya sa comfort ng kanyang sariling sasakyan.

“Hay naku, talaga! Masyado kasing mabait ang fadir ni female young star kaya pinagbibigyan niya ang kanyang mga barakong kapatid dahil kung hindi, siguradong mabuburda sila kapag nagalit si fadir ni bagets.

“Sayang lang dahil queenly pa naman ang beauty ng kanyang anak kaya dapat lang na pang-reyna rin ang kanyang mga gamit, hendehvah?!” ang may sundot na clue pa ng aming source. Getz?!

NOW WE KNOW kung bakit hindi nakarampa si Queenie Padilla sa nakaraang Jag fashion show ni Robin Padilla kung saan nakasama niya du’n ang dalawa pa niyang mga anak.

May ilan kasing nang-iintriga kung bakit wala raw du’n ang presence ni Queenie samantalang present ang dalawang anak ni Robin.

May nagtatanong pa kung nagtatampo raw ba si Queenie sa kanyang ama kaya hindi ito nagpunta sa fashion show ng veteran action star?

Pero ang totoo niyan, si Queenie ang bagong endorser ng Page Jeans International and siyempre, hindi naman puwedeng rumampa ang female youngstar sa kalabang kumpanya ng shirt na kanyang ine-endorse, ‘di ba?

Regular na mapapanood ngayon si Queenie sa Momay sa Channel 2 kung saan pina-partner siya kay Ejay Falcon at kung sakaling mag-klik ang kanilang tandem, sigurado, magkakaroon sila ng sariling teleserye.

At kapag nagkataon, paano na ang isang boylet sa kabilang istasyon, Queenie?

For reactions, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

11 thoughts on “Female Young Star, mukhang kawawa dahil sa mga tito!

  1. ANG PAGKAKAALAM KO KUNG IKAW AY MUSLIM AT TULAD NG SINASABI NI BINOE NA MUSLIM SYA AT OVER PROTECTIVE SA MGA ANAK DAHIL NGA MUSLIM DAW… HINDI DAPAT GANYAN NAG DADAMIT ANG MGA BABAENG MUSLIM AT DI DAPAT PINAGUUSAPAN SA PUBLIKO ANG MGA LOVE EK EK EK NILA DAHIL TABOOO. SA AMERIKA NGA KAHIT NA HALF AMERICAN BASTA MUSLIM IPINAGLALABAN PA ANG KANILANG BURGA AT TAKIP SA BUONG KATAWAN (SA MGA BABAE) PERO TIGNAN MO SA MGA ANAK NI BINOE.

  2. ang korni mo joey.. puro ka kaartehan.. wlang kakwnta kwnta mga chika mo.. bkt k b nging journalist.. haay nkuu dpat syo pnattalsik na

  3. mas exciting at mas masarap ang car sex..try nyo kasi…kayo naman pumunta lang kayo sa seaside wall ng CCP at damuhan sa Quezon Mmorial circle daming umaalog dun…parang may lindol…kaya pareng joey..ayos lang yan

  4. Eh ano namang mali diyan? SA LOOB ng kotse hindi naman SA LABAS…Teka nga, what’s wrong with having sex anyway? Inggit lang yung bitter na Sweeper na yaon–dahil hindi siya inimibita. hahaha!

  5. Magagawa ba ni Robin sa mga anak niya ito? Ang laki nga nang contribution niya sa cause nila. May eskuwelahan pa. i don’t believe this story.

  6. hindi naman masyadong halata na si quennie ang blind item..si robin yung burdado at si mommy eva yung madir..halos pangalanan na..anu ba yan..

    btw..ikaw ba yung sarmiento na napanood ko sa balita na nakikipag sex sa kotse kaya naulong..ang sabi kasi dun writer daw dito sa pinoy parazzi..ikaw ba yun?

Leave a Reply

Your email address will not be published.