Female Star, nabuking ang mga kamot sa katawan!

TANGGAP NAMAN PALA ni Bernard Palanca ang relationship ni Meryll Soriano kay Joem Bascon.

“I know Joem. I’m friends with him. I was with them over the holidays. Wherever she’s happy, okay lang sa akin. He’s a good guy. I had Elijah with me. When I dropped him off sa house, they were both there. I stayed for a while,” kuwento ni Bernard na kasama sa Panday Kids ng GMA-7.

Actually, maganda na ang relasyon nila ngayon ni Meryll.

“I guess we’re slowly making our way into friendship. Now, there’s no ill feeling. Pero hindi kami nagkukuwentehan about each other’s personal issues or lives.

Aminado si Bernard na minsan ay hindi siya nakapagbibigay ng pera para sa kanyang two-year old son na si Elijah.

“I know that I give my son what he needs and Meryll knows that. And when I cannot because it’s not everyday na we get to work nga. When it’s like that, I tell her. If I can’t, she knows. I give as much as I can and when I can. Kung puwede lang everyday, of course, I would,” sabi ng aktor.

Third show na pala ni Bernard ang Panday Kids para sa GMA-7. Una siyang umapir sa Gagambino, then sa Ngayon at Kailanman.

Kinorek ng aktor ang impression na he’s now a Kapuso star.

“No, I’m a freelance artist. Mas gusto ko ‘yung freelance kasi more options, eh. I like the freedom eh, more opportunity. Kung nasaan ang trabaho, roon ako. I have no contract here or with ABS-CBN. I don’t want to be exclusive with either GMA-7 or ABS-CBN. If GMA offers me something, I’ll take it.”

Ready naman siya to sign up with GMA-7. “If I’m happy with what they can offer, why not?

NAKAKALOKA NAMAN ANG na-discover naming account sa Facebook recently.

Natagpuan kasi namin na may ‘Hate GMA’ Facebook account pala. Nang amin itong i-surf, talagang naloka kami dahil bina-bash ang halos lahat ng TV shows ng Siyete. Maging ang mga artista nila ay pinupuna rin.

We feel na hindi ito fair. Grabe naman kasi ang panglalait nila. Parang wala nang magandang station kundi ang kalabang station ng Siyete. It is as if ang Dos lang ang magandang network.

Sino kaya ang may pakana ng bashing sa GMA? Sino kaya ang gumawa ng hate account sa Facebook? Kung sino man siya, halatang insecure siya. Imagine, talagang pinag-aksayahan niya ng panahon at gumawa ng malaking effort para i-down ang GMA shows.

Anyway, magaganda naman ang mga shows ng GMA at kita naman na pinaghihirapan talaga nila ang lahat ng kanilang mga programa.

Sa Dos nga, ang feeling namin, parang tino-tolerate ng istasyon ang malanding character ni Angelica Panganiban sa isang soap. Parang okay lang na mang-akit ka ng boyfriend ng friend mo maabot mo lang ang ambisyon mo. Isa pa, disturbing para sa amin na ang isang babae ay napakalandi sa TV. Alam naming halaw lang ang show sa isang Mexicanovela pero any which way we look at it, parang ipino-promote nito ang maling values – na okay lang na manglandi ka ng lalaki kahit na masaktan ang kaibigan mo.

Ito ba ang value na gustong iparating ng Dos sa mga kabataan ngayon?

HINDI YATA AWARE ang isang female star na obvious na obvious ang mga kamot niya sa katawan.

Sa isang showbiz gathering kasi ay naka-bustier ang hitad at todo ang painterbyu sa mga reporter. Ang unang napansin namin, may make-up ang leeg hanggang sa itaas na bahagi ng dibdib ng female star. The second discovery that we had ay puro kamot ang bandang dibdib ng dalaga. Halatang-halata ang bakas ng mga kamot dahil sa make-up. Ang akala siguro ng hitad ay maitatago ito sa pamamagitan ng foundation, but she’s wrong. Lalo tuloy itong naging obvious. Maging ang kili-kili nito ay laylay na at parang nangunguluntoy.

Sana ay hindi na lang nagsuot ng bustier ang female star dahil nakahihiya ang kanyang hitsura. Nabisto tuloy na marami siyang kamot.

Ang nakapagtataka, hindi naman mataba ang lokah. Sexy naman siya.

Clue: Maikli lang ang name ng hitad. ‘Yun na!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleGuesswhodoes: Tom Rodriguez does the Towel-Up
Next articleMelai, ‘di pa rin makapaniwala na siya ang pinili ng taumbayan!

No posts to display