Female star na sumikat noon, sa foreigner nagpapa-booking ngayon!

OLA CHIKKA! THANK God it’s Friday! At araw na naman ng suweldo. Ha-ha! Siguradong traffic na naman ang mga kalsada. Siyempre malapit na namang mag-Pasko at kailangan nating magkaunawaan at magpatawad, ‘di ba?

Kaya lang, naloloka kasi talaga ako rito sa aking ipapahayag, dahil nu’ng nakaraang linggo ay may naisulat ako rito na ‘Vice Ganda, Pati Gobyerno Kinakalaban!’ Kaya lang, ang nakalulungkot ay marami ang nag-text sa akin na: “tita swarding pinakita ka sa isang showbiz talkshow noong nakaraang linggo.’

Kaya lang, kahapon ko lang napanood sa internet, kung saan lumabas ang mukha ko at galing sa Pinoy Parazzi na ‘Vice Ganda, Kinaasaran!’ na nanggaling sa akin at sa pinagsusulatan kong column dito sa Pinoy Parrazi. Alam ko namang maraming naasar sa kanya dahil kahit saan siya magpunta ay hindi niya napipigilan ang bibig niya, na akala n’ya lahat ng kausap niya dinadaan niya sa pagiging komedyante. At heto ang nagiging reaksyon niya: Wala siyang pakilam kung sino ang mga naasar sa kanya. Nagsabi pa raw ito ng, “Sino ba ‘yung Tita Swarding? Kahit kailan, ‘di pa kami nagkikita at nagkakausap.” Sey mo, ‘di niya ako kilala!

Kung sabihin ko sa ‘yo, Vice Ganda, kung hindi ko kilala… kamakailan lang sabi mo sa interview mo ay kilala mo ko, at
nirerespeto mo ko. At nu’ng hindi ka pa sikat, kasama ko ang aking kaibigang producer na si Jojit Dinero sa isang bar na pinagtatrabahuhan mo pa noon, na sinabi mo sa akin at lumapit ka pa, isa ako sa mga hinahangaan mo at nirerespeto
mo!!

At heto pa, kung ‘di mo ko kilala, imposible! Dahil lagi akong binabati ni Vhong Navarro at Anne Curtis sa Showtime. Ngayon, sasabhin mong ‘di mo ko kilala porke’t ang feeling mo ay talagang sikat na sikat ka na?!

Vice Ganda, payo lang… magpakatotoo ka sa mga interview na sinasagot mo, hindi ‘yung pang-showbiz at kaplastikan ang mga sagot! Dahil ako, tumagal na ako ng 41 years sa showbiz industry nang walang nilolokong tao at totoo lahat ng sinasabi ko at hindi ako nagpapakaplastik para lang maging maganda ang mga sagot ko sa mga tao. ‘Yun na! Nakakaloka…

AT KUNG MAY problema ka naman sa kalusugan, King’s Herbal lang ang sagot diyan. Nakapagpapalakas ito ng immune system at may food supplement pa. Hanggang ngayong araw na lang po ang ‘buy 1 take1’ promo ng King’s Herbal. Kung gusto n’yo pang malaman ang mga info at kung talagang may katunayang nakagagaling, manood lamang po kayo tuwing Biyernes, 9-10:30 a.m. sa programa ni Tulfo na Bitag sa UNTV, dahil pati po ang anak ni Mr. Ka Rey Herrera na ½ taon na si Nini ay ipakikitang iinom din ng King’s Herbal dahil puwede rin po ito sa mga bata. Puwede rin kayong mag-log on sa www.kingsherbalnikarey.com.ph.

DAHIL WALANG GAMOT ANG KAMATAYAN, MAY LUNAS ANG KARAMDAMAN. Ano pa hinihintay n’yo? Bili na at humabol na kayo sa ‘buy 1 take 1’ promo nila.
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Siyempre, hindi mabubuo kung walang pitik-bulag. Isa pang nakaloloka at nakawiwindang, dahil itong babaeng ito ay sumikat talaga noon at bonggang-bongga ang career n’ya at napapabalita noon na binubugbog ng jowa.

Ngayon ay alam mo kung ano ang eksena nito? May mga kasama siyang mga baklitang hinahanapan siya ng booking. Take note, ang bet nila ay foreigner para maraming okani. Ang taray, ‘di ba? Marurunong pumili. At nu’ng nakahanap na sila, award talaga ang merlat dahil mahusay trumabaho. Pakandong-kandong na at nakaorder na sila nakaloloka talaga. At pagkatapos nu’ng eksenang ‘yun, take home na rin ang lola mo at hindi niya na kasabay umuwi ang mga baklita. ‘Di ba, trabaho kung trabaho, kasi wala na siyang career ngayon?

Pahingi naman ng clue? Ha-ha yun lang basta ang alam ko, siya ang pinakamaraming tattoo sa katawan ngayon at napabalitang nagiging wild sa Boracay! Tumpak! Ha-ha-ha!

At subaybayan n’yo po ang aking programa simula Lunes-Biyernes sa ganap na 11:30 ng umaga at 12:00 ng tanghali sa promang OLACHIKKA NOW NA!! sa DWSS 1494khz kasama ko ang babaeng walang pahinga lalo na pagdating sa chikka na si LADY CAMILLE, at siyempre ako po na pinakamatagal na sa showbiz industry na si TITA SWARDING. At siyempre tuwing Linggo sa DZRH 2:30-3:30 p.m. Maramaing salamat, BADJAO!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

18 thoughts on “Female star na sumikat noon, sa foreigner nagpapa-booking ngayon!

  1. Everyday at Showtime Vice ganda words were so offensive to the contestants. He is always Degrading and he belittled the contestants as if they are the elite in everything, appearnce fashion and knowledge. Kundi pa may topak din sya dahil sa kanyang suicide ideation.

  2. hindi naman po sa the buzz yung interview kay vice ..na sinasabing d nya know si tita swarding.sa juicy po yun,sabi nya sino yun..nang nabanggit si tita s nung nag iinterview.

  3. mga adik …
    ethyl alcohol
    brand ng alcohol yon ..
    sinadya nya lng gwin gnun ung nym ni ethel
    hndi nman sya mali eh … besides kait mali o tama yan as long as nababasa mo .. ok na.. pasalamat ka hindi jejemon yan …

    aun regarding kay vice ganda and tita swarding i can’t remeber the whole interview of vice ganda in the buzz pero npanuod ko sya and i think he have nothing to say wrong about tita swarding kasi eversince hindi nman kaya mag taray ng mga artista directly sa taong gusto nilang tirahin instead nag papalipipad hangin lng ” or tamang angas” o “taray” hindi nman mawawala sa mga artista ang maging plastik eh sometimes you just need to hide something or sometimes you have to show it .. para mpag usapan ka …..

  4. to tita swarding….hope you check again the video of vice ganda when he was interviewed sa the buzz…this is what exactly he said “hindi ko naman sya nakakausap…” never nyang sinabi na hindi ka nya kilala…baka may sumusulsol lang sayo for you to react negatively pero if you will watch the interview…he didnt say anything negative against you…peace!

  5. yeah TAMA tita sawrding TULAD ng ng sinabi mo D MO NAPANUOD NG BUO ANG VIDEO……kaya wag ka maxado mag react…….tignan mo muna kung paano idiniliver un ni vice ganda

  6. tadtad ng tattoo si raven villanueva pero hindi siya najujumbag nun ni diego, wala siyang career pwede rin. pero hindi siya wild sa boracay dahil matagal na siya sa US.

    si ethel booba, yes najujumbag siya, wala siya career; check. wild sa boracay; check. pa booking? check, maraming bading na friends; check……

    B.I. = ETHEL BOOBA???

  7. tita swarding i like ur writings, talagang may sense.. re sa sinasabi mo n ipinakita ks isang talkshow last sunday, agree ako jan dahil napanood ko the buzz noong sunday.. hindi nia sinabing sino b yun tita swarding in a sense n di ka nia kilala, sinabi nia yun nang ganitoi…. sino b yun? ( sabay tingin s likod nia to see the picture of the said source or kung sino sumulat ng article about him dahil makikita mo naman n nakalimutan nia), then he said, ah si tita swarding…..

    i like u and vice ganda as well..

    • i agree … i watched the portion of the buzz when vice was being interviewed. he never said he doesnt know you. he simply forgot the source of the article that’s why he said “sino ba yun?” then looked back at the screen behind to refresh his memory.
      i suggest you watch the replay/whole video to see for yourself.

Leave a Reply

Your email address will not be published.