Female singer, lumobo na ang ulo nagka-amnesia pa! – Cristy Fermin

NAGING USAP-USAPAN SA isang umpukan ng mga taga-showbiz ang pagkakaroon ng amnesia ng isang female singer. Hindi makukumpleto ang kanyang tagumpay sa mundo ng musika kung wala ang isang taong nagtiyagang sumubaybay sa kanya.

Sumpungin ang singer na ito, may matinding tantrums, pero nagtiyaga sa kanya ang isang taong walang ibang hangad kundi ang makilala siya. Todong pagsusubaybay ang ibinigay sa kanya ng taong tinutukoy namin. Ito ang nakikipaglaban para sa kanya kapag may magagandang oportunidad na nagbubukas. Ito rin ang nagturo sa kanya ng pasikut-sikot ng industriya ng musika.

Pero nang magkapangalan na ang female singer at magtagumpay sa recording, bigla na niyang kinalimutan ang taong ‘yun. Ni ha, ni ho ay hindi man lang niya ito kinukumusta.

[ad#post-ad-box]

At ang the height, nang parangalan siya dahil sa isang album na siya lang daw ang unang babaeng singer na nagkaroon ng ganu’ng marka sa bentahan, pinasalamatan niya na yata pati ang kanilang mga aso’t pusa, pero hindi man lang niya binanggit ang taong napakalaki ng nagawang milagro sa kung sino siya ngayon.

Sabi ng isang source na alam na alam ang kuwento tungkol sa dalawa, “Naku, kahit bayaran niya pa ng kahit magkano si ____(pangalan ng taong may napakalaking naitulong sa career ng female singer), e, hindi ‘yun sasapat dahil sa tindi ng sakripisyo at pagod na ibinigay sa kanya.

“Nakalulungkot lang talaga na kapag baguhan pa ang personality, lahat ng pangako, e, gagawin nila. Pero kapag sinuwerte na, inaapuntahan na sila ng amnesia, hindi na nagkakasya ang sombrero nila dahil sa paglaki ng kanilang ulo.

“One living example ang female singer na ‘yun na sumpungin, ‘yung taong ‘yun lang ang tumanggap sa kung sino siya, pero ni hindi man lang niya maalalang pasalamatan ‘yung tao?

“Hindi naman naghihintay ng kabayaran ‘yung tao, pero sa kanya na dapat manggaling ‘yun, alam niya naman ang totoo na nakilala siya nang dahil sa support at effort ng taong kinalimutan niya,” kuwento ng aming impormante.

Totoo kaya na ang pagkampi ng taong ‘yun sa ex-boyfriend niya ang dahilan kung bakit siya galit na galit dito. Mas nakinig daw kasi ang nakatulong sa kanya sa dati niyang karelasyon, kaya paksiyon-paksiyon na lang ang labanan ngayon.

Kung totoo ang mga kuwento ng female singer, lokohin pala siya ng lalaki. Lagi siyang may reklamo tungkol sa kanyang ex. Puro pera ang sangkot sa kuwento.

Ninanamnam ngayon ng female singer na ito ang kanyang tagumpay. Pero siguradong hindi rin siya masaya, dahil meron siyang taong nasasaktan.

NAKAKALOKA ANG OUTFIT nu’ng Linggo nang hapon ni Ai-Ai de las Alas sa ASAP ’09. Kahit malayo na ang tutok ng mga camera ni Direk Johnny Manahan habang sumasayaw siya ay para pa ring puwet ng sanggol ang kakalug-kalog niyang boobs, lalo na kapag mabilis ang kanyang dance steps.

Nakakatensiyon dahil baka biglang humulagpos palabas sa sexy niyang blouse ang magkabila niyang bundok. Busog na busog talaga ang mga dibdib ni Ai-Ai, totoo man ‘yun na ginamitan lang ng push-up bra o salamat po, doktor.

Komedyante si Ai-Ai kaya walang malisya ‘yun. Pero kung ang mga tipo nina Bea Alonzo, Angel Locsin at Toni Gonzaga ang nagsuot ng ganu’n ay siguradong pagpipistahan at malalagyan ng malisya.

Kering-keri naman ni Ai-Ai ang ganu’n, ‘yun ang bentahe ng mga komedyana. Kahit ano ang ipasuot sa kanila ay ayos lang.

Sa mga concert nga niya ay kung anu-ano ang gimik ni Ai-Ai. Meron pa siyang costume na sobrang laki ng boobs na ginagamit niya sa opening, kaya du’n pa lang ay bagsak na ang venue sa paghahalakhakan ng mga manonood.

Komento niya kapag pabalik na siya sa dressing room, “Mahirap talagang kumita ng pera, kahit ano, pagpupuwedehin mo, makapagpasaya ka lang!”

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

6 thoughts on “Female singer, lumobo na ang ulo nagka-amnesia pa! – Cristy Fermin

  1. Obvious naman na si Nina ang sinasabi mong singer. Pa blind item blind item ka pa. Gagah! O ano inggit ka kay Aiai, e di gayahin mo ang style ng damit niya at siguradong magtatakbuhan lahat ang mga daga papasok sa bunganga mo bantot!

  2. si cristy naman, ang tagal mo nang binabanatan si nina sa mga articles mo sa dyaryo. hay, INSECURE ka talaga, no wonder… ang PANGIT mo kasi, mapa inside man at lalo na sa OUT! bwahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.