Female singer, lumalaklak ng alak habang nagko-concert!

YES, TRUE, FRESH na fresh ang ating blind item ngayon. Ang bida natin ngayon ay itong si Female singer na  nag-concert lang kamakailan lang at du’n ay napag-alaman ng buong staff ang sikreto niya kumbakit habang tumatagal ang said concert ay mas humuhusay ang ating bida sa kanyang pagkanta.

Ang female singer na bida natin ay may props na isang mug sa kanyang tabi. At buong akala ng lahat ng nanonod sa kanya ay kape o tea ang kanyang tinutungga. Ang true ay alak ang laman ng mug.

Kalokah , ‘di ba?

Kung ganoon, nakakatulong pala ang alak sa katauhan ng ating female singer?

Kaya lang hindi kaya alam ng singer na habang tumatagal ang kanyang paglaklak ng alak onstage ay hindi ito nagiging maganda sa timbre ng kanyang boses. Girl na girl pa naman ang kanyang name.

Nagulat nga rin ang kanyang kasama sa sa kanyang concert na isa ring female singer.

O, knows, n’yo na ba kung sino siya? Well, ang name niya ay siya namang nickname ng isang actress. O hula-hula na po!

( By Fernan de Guzman)

loading...

12 thoughts on “Female singer, lumalaklak ng alak habang nagko-concert!

  1. si Toni dokleng Gonzaga yan..

    Toni name nya, opposite sa girl na girl na name, tas name nya ay nickname naman isang actress na si TONI (Antoinette Taus)…

    Kung si barbie forteza, di nya nickname yan kase yan talaga gamit nya nun pa.

  2. —— si barbie almabis nga yun….kase girl na girl diba..BARBIE preffering to a DOLL..then Barbie [forteza] yung nickname ng actress ..diba nickname naman ni barbie yan….may totoong name tlga si barbie forteza…..sabi din nung friend ko nakita daw nya sa blog about sa concert nila kitchie at barbie at si barbie may hawak na na parang aluminum glass….gotcha!

  3. ang last na concert na may 2 female singer ay sina Barbie Almalbis at Kitchie Nadal last August… isa kaya sa kanila?

  4. Clue : dalawang female ang nag concert, girl na girl ang name, name niya ay nickname ng isang actress. Sino ito ?

Leave a Reply

Your email address will not be published.