Female Broadcaster, Dinukot sa Quezon

HINDI PA mabatid ng mga awtoridad kung election related ang pagkakadukot sa isang babaeng radio broadcaster sa Candelaria, Quezon kahapon ng umaga.

Sinabi ni National Task Force SAFE Commander Police Director Ager Ontog na iniimbetigahan na ng Quezon Police Provincial office ang insidente.

Ikinalulungkot naman ng PNP ang pagka-dukot sa broadcaster na nakilalang si Melinda Jennifer Glefonea, dalaga, nakatira sa St. Jude Village Phase 2 Red V, Lucena City.

Base sa ulat ng PNP, pwersahang dinukot ang media practitioner ng dalawang armadong suspek na pawang nakatakip ang mukha at armado ng short firearms.

Tiniyak naman ni Ontog na ginagawa na ang lahat ngayon ng PNP sa Quezon upang ma recover ang biktima.

Sa ngayon, naglulunsad ng dragnet operation, ang Candelaria Municipal Police Station laban sa nandukot sa broadcaster kahapon ng umaga.

Ito’y upang matukoy ang posibleng lokasyon ng mga abductors at ang kanilang bihag na isang media practitioner.

Ayon kay SPO1 Joseph Ramirez, na siyang nag-iimbestiga sa kaso, naniniwala pa rin sila na hindi pa nakaka-labas ng Candelaria ang mga abductors kasama ang kanilang bihag na si Melinda Jennifer Glefonea.

Samantala, sinabi ni PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo, pwersa sa inilunsad na dragnet operation na nakikipag-ugnayan na rin ang Candelaria Police Station sa iba pang police stations para sa agarang pag-aresto ng mga salarin at pag-rescue sa biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.