Female anchor na mukhang tindera ng isda, “disturbed” daw sa pagkaliskis ng isda!

BLIND ITEM: “DISTURBED!”

‘Yan ang eksaktong salitang ginamit ng female anchor sa kanyang mga superiors nang minsang naimbitahan siyang pumunta sa isang event ng isang fastfood chain at sumali sa mga “fun activities” kasama ang iba pang mga media representatives.

Nagpunta ang female anchor to represent the network na kanyang pinagtatrabahuan at present din ang iba pang mga media personalities coming from respectable media institutions. Lahat sila ay naging masaya sa kanilang ginawang “fun activities”, puwera lang sa fermale anchor na ito.

Bakit?

Dahil pagkatapos niyang magkaliskis ng isda for three minutes at gawin ang dalawa pang activities, nagsumbong agad siya sa kanyang mga superiors at sinabi niyang na-disturb daw siya sa nangyari.

Hindi raw siya nakatulog, hindi siya nakakain, hindi siya nakausap nang matino, at lahat nang ‘yon e, sa dahilang nagkaliskis siya ng isda for three minutes.

Wow! Napaka-sosyal naman ng female anchor na ito. Siguro, anak siya ng hari at reyna at siguro e, hindi pa siya nakakakain ng isda in her whole life kaya na-disturb siya nang pinagkaliskis siya ng isda na kasama sa mga fun activities for the media representatives.

Nakakaawa naman siya kung ganu’n. Pero dapat kinumpleto na niya ang kanyang pagiging sosi. Dapat, hindi mumurahing sigarilyo ang kanyang hinihithit, dapat mga signature bags ang kanyang dinadala at hindi mga Divisoria bags, at dapat, mag-hire na rin siya ng mga bodyguards para panindigan niya ang kanyang pagiging sosi.

Sa true lang, sa inasal niyang ‘yon e, dinaig pa niya sina Gretchen Barretto at Kris Aquino na kung tutuusin e, maiintindihan natin kung umasta nang ganu’n.

“Ang arte niya! Mukha naman siyang tindera ng isda, sa totoo lang,” sabi tuloy ng isa pang media representative from broadsheet nang nalaman ang istoryang ‘yon.

‘Wag n’yo na siyang silipin sa Channel 2 at Channel 7. Basta, gumising lang kayo nang maaga at siguradong makikita n’yo siya… getz?

VERY OBVIOUS ANG height difference nina Cesar Montano at Bianca Manalo nang rumampa sila papasok ng Intercon Hotel function room in connection with their back-to-back cover para sa September issue ng FHM magazine.

‘Katawa nga dahil literal na tumitingin paitaas si Buboy kapag kinakausap niya si Bianca dahil sa taas ng difference ng kanilang height. But of course, hindi naging hadlang ‘yon para hindi pag-usapan ang kontrobersiyal na cover sa naturang magazine.

Bakit?

Dahil ang mukha ni Buboy e, nasa gitna ng dalawang hita ng seksing babae na kapag lumingon siya sa likod e, siguradong swak ‘yon sa… alam n’yo na… ‘kainggit!

Buti na nga lang daw e, hindi nagselos ang kanyang asawang si Sunshine Cruz, na incidentally e, siyang naging first cover ng FHM magazine some years back.

Inpernes naman kay Buboy, bago inilabas ang litrato e, ipinakita niya ‘yon sa kanyang asawa at kinuha muna ang approval. Kaya ayun, walang away na nangyari.

Sabi nga ni Buboy, marami pa raw magaganda at mas seksing mga litrato ang nakuha pero nakapanghihinayang lang dahil hindi puwedeng mailabas ang lahat dahil limitado lang ang mga pahina.

Hindi na rin nga nagawang kunan ang kanyang suggestion na may sasaluhin siyang girlet na naka-gown dahil nagkulang na raw sila ng oras.

Pero buti naman, hindi na selosa ngayon si Shine. Siguro nga, nag-mature na silang pareho.

For reaction, please e-mail: mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

9 thoughts on “Female anchor na mukhang tindera ng isda, “disturbed” daw sa pagkaliskis ng isda!

  1. Pingback: Maria Ramirez Venus, el control de nueva estrella?

  2. Pingback: Haga clic aqu

  3. Pingback: 301 Movido301 MovidoEl documento se ha trasladadoaqu

  4. Nakakahiya naman yang comment na hindi nakatulog dahil sa pagkaliskis ng isda, to think that there are lots of people in the Philippines who are struggling with the economy and who cannot even afford to put food on the table, we have to be thankful for our blessings and stop complaining about petty things.

  5. E KUNG PAGLINISIN KAYA SIYA NG IGAT “EEL” AT OCTOPUS, O DI KAYA PUMASOK SA TIYAN NG BLUE WHALE PARA ALISIN ANG MGA BITUKA AT UTAK.

  6. HAHA …MALANDI AT MAARTE YANG SHWAN YAO N YAN …

    Bulol nmn pag dtng sa show ..MS. LUCHI CRUZ VALDEZ ….SNA MPNUOD NYO YN AT TANGGALIN NA …

  7. sobrang arte nman ng female anchor n yan s susunod PARA MAWALA ANG KAARTIHAN NG female anchor nayan PATING ANG IPAKALISKIS S KANYA ng matauhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.