Felix Roco, napaiyak nang paghubarin ng direktor – Archie de Calma

VERY TIMELY ANG pagpapahayag ni Lovi Poe ng hiwalayan isyu nila ni Jolo Revilla. Si Jolo ay ipinapareha raw kay Melissa Ricks sa Pepeng Agimat kaya marami ang nangangamba na baka masulot pa itong si Melissa kay Jake Cuenca na hanggang ngayon ay mainit pa ring nali-link sa aktor.

Si Lovi naman ay kapareha ni Felix Roco sa Sagrado Pamilya ng Legolas Entertainment na idinirek ni Joel Lamangan. Tila nagpapahaging na rin si Felix sa mga pahayag niya na kahit hindi ‘yung ganyang mga bagay ang nasa concentration nila ni Lovi kung hindi ang mga career nila, nasabi na lang ni Felix na, “Abnormal kasi ang pag-ibig. Hindi mo alam kung kailan darating ‘yan. Hindi rin ako naniniwala sa type-type na morena lang, mestiza lang. Kung dumating ‘yan, kahit sino pa ‘yang kina-in-love-an mo, ‘yun na ‘yon!”
Pero, inamin ni Felix na sa isang mainit na eksenang ipinagawa sa kanila ni Direk Joel, napaiyak siya. Kailangan daw kasi niyang magpakita ng butt, at hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ng ina niyang si Coco Artadi-Roco sa ginawa niyang ‘yun. Nang ipagtapat nga ni Felix na ganoon ang ginawa niya, parang nalungkot daw ang mommy niya.

[ad#post-ad-box]

Kahit hindi naniniwala si Felix na ‘yun ang paraan para siya’y sumikat, mukhang  hindi lang ‘yun ang minsang gagawa siya ng ganoong mapangahas na eksena. Naniniwala naman kaming kasama sa pag-aartista ‘yan, at hindi naman lahat ng artista, can just get away with that.

BLIND ITEM: ANG character actor na ito na alaga ng isang direktor ay napagkikitang tambay ng isang third run theater sa Avenida. Buhay na buhay ang third-class cinemas sa lugar na ito na dating first class theaters noon, pero mula nang pinatay ng malls at LRT ang ganitong establishments sa Avenida at Recto, kalunus-lunos na ang mga eksena ng hadahan sa mga sinehang ito.

Well, kung lagi roon ang character actor, ibig sabihin ay hindi siya fulfilled sa sex life nila ni Direk. Humahanap na rin siguro siya ng bagong putahe, at tiyak naming ganoon din ang direktor.

Isa pang direktor ang tambay naman ng isang third-run cinema sa Cubao na pinaglalabasan ng mga local gay movie. Minsan ay nahuli ng isa naming kaibigan ang direktor doon na humahada ng isang dugyot na call boy roon habang hawak-hawak ng dalawa niyang kamay ang nota ng dalawa pang hada niyang mhin.

Kilala ng friend namin ang direktor, kaya nang siya naman ang makita nitong may hinahadang iba sa loob ng sinehang ‘yun sa Cubao, aba, ituloy raw nila ang kingkingan at manonood siya! Nakakaloka ang kacheapang nagaganap sa mga sinehan ngayon, na pati mga taga-showbiz ay walang takot na roon gumagawa ng milagro.

Ingat lang at baka ma-raid ng mga parak ang mga sinehang ‘yan, sige kayo!

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

One thought on “Felix Roco, napaiyak nang paghubarin ng direktor – Archie de Calma

Leave a Reply

Your email address will not be published.